Japan Prime Minister Abe Shinzo Pinaliwanag kung bakit siya magre-resign sa Pwesto

Nabalita na bababa na sa puwesto ang Prime Minister sa Japan na si Shinzo Abe dahil sa kanyang kalusugan.
Sunud-sunod ang pagpunta sa ospital nang 65-anyos na pinuno para sa “regular health checkup” at follow-ups, matapos mabalita na sumuka ito ng dugo sa kanyang opisina noong Hulyo 2020.
Naging Punong Ministro ng Japan si Abe simula noong Disyembre 2012, kasunod ng una nitong taon sa puwesto mula taong 2006 hanggang 2007.
Agad siyang nag-resign noong 2007 dahil sa paglala ng kanyang chronic illness na ulcerative colitis, na sinabi niya noong 2012 na gumaling na raw sa tulong ng bagong gamot.
Comments
Post a Comment