Ilang mga guro, tinamaan ng COVID-19 matapos mag-report sa mga eskuwelahan

Tinamaan na umano ang ilang mga guro ng COVID 19 matapos pisikal na mag-report sa mga eskuwelahan.
Ayon kay Benjo Basas national chairperson ng The Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na isa raw sa nagpositibong guro ay ang kanilang presidente (TDC), Manila chapter na si Ildefonso “Nono” Enguerra III.
May tatlo pa umano na nagpositibong guro sa parehong eskwelahan kung saan ito nagtatrabaho, meron din umanong ganitong kaparehong kaso sa Calauag Quezon.
Ipinaaaabot na ng grupo sa DepEd ito kasabay ng pagapela na ipostpone muna ang pagbubukas ng klase sa August 24.
Maliban sa banta ng virus. Hindi pa raw tapos ang mga gagamiting mga modules.
Binigyang linaw naman ito ng DepEd na hindi nila inoobligang mag-report ang mga guro sa mga paaralan lalo na at may mga alternative work arrangements naman ang mga ito.
Comments
Post a Comment