Guro na Pumapasok para Maghanda ng Modules Nagka-Covid-19




Tinamaan ng COVID-19 ang isang guro sa Baguio City na pumapasok noon para ihanda ang mga module para sa pagbubukas ng klase.

Naglakas-loob na magpakilala sa publiko ang public school teacher na si Norberto Rodillas matapos itong magpositibo sa COVID-19.

Takot at lungkot ang kaniyang naramdaman dahil nagpositibo rin sa naturang sakit ang kanyang kapatid at parehong magulang.

Humihingi siya ng paumanhin sa mga kapwa guro, kaibigan at iba pang kakilala na kanyang nalapitan.

Ayon sa LGU ng Baguio City, posibleng nahawa ang guro sa ate nito na isa ring guro na pumapasok noon para ihanda ang mga module para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

"His older sister contracted the virus while working— preparing the modules with the other teachers in preparation for the resumption of classes. Then one after the other, the other members of the family tested positive," ayon sa public information office ng Baguio City.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo