Estudyante Nagtitinda ng Isda Para May Maipambili ng Cellphone sa Online Class

Mahigit 1 kilometro ang nilalakad ng isang Grade 12 student ni Ella Mae Fernando araw-araw, para makabenta ng isda sa Rosario, Cavite.
Bitbit ang isang mabigat na timba, hindi iniisip ng bata ang hirap at ang pagod.
Kaylangan niya kasing kumita para may maipambili siya ng cellphone para sa pag-aaral.
“Nahihirapan po ako maghabol ng subject, hindi ko po ma-search ang kailangang i-search, sariling sikap na lang," sabi ni Ella Mae.
Nasa limang piso hanggang sampung piso lamang ang kinikita ni Ella Mae sa bawat balot ng isda na ipinapabenta sa kaniya at nasa P600 pa lang ang naiipon ng bata.
Hiwalay ang mga magulang ni Ella Mae at nahihiya rin siyang humingi ng pera lalo na at ang kaniyang ama ay nawalan din ng trabaho simula nang magka-lockdown.
Comments
Post a Comment