Black Panther Actor na si Chadwick Boseman Pumanaw na




Matapos ang 4 na taong pakikipaglaban sa kanser, pumanaw na ang Black Panther actor na si Chadwick Boseman sa edad ba 43.

Ito ang kinumpirma ng kanyang publicist na si Nicki Fioravante sa kanyang official Twitter account.
Si Chadwick ay nadiagnosed na may Stage 3 colon cancer noong 2016, na kalaunan ay umusad sa Stage 4 sa nakaraang apat na taon.

"A true fighter, Chadwick persevered through it all, and brought you many of the films you have come to love so much. From Marshall to Da 5 Bloods, August Wilson's Ma Rainey's Black Bottom and several more, all were filmed during and between countless surgeries and chemotheraphy," sabi sa pahayag ni Nicki Fioravante

"It was the honor of his career to bring King T'Challa to life in Black Panther," dagdag nito

Payapang pumanaw ang American actor sa kanyang tahanan sa Los Angeles sa piling ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Una siyang lumabas bilang T'Challa/Black Panther sa Captain America: Civil War noong 2016.

Noong 2018 ay tinampukan niya ang Black Panther, na isa sa highest-grossing fims sa buong mundo.

Lumabas din siya bilang Black Panther sa Marvel movies na Avengers: Infinity War (2018) at Avengers: End Game (2019).

May Part 2 din dapat ang Black Panther na ipalalabas sa 2022.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result