Ang Nakaka-iyak na House Tour sa Lumang Tahanan ni Lyca Gairanod




Naging emosyonal ang teen singer na si Lyca Gairanod habang nag-house tour sa kanyang lumang tahanan sa Tanza, Cavite bago siya nagwagi sa "The Voice Kids" noong 2014.

Masayang nilibot ni Lyca ang kanilang lumang tahanan at nakipagbiruan sa kanyang lola, na siyang ngayon ang nakatira sa bahay.

Gayunpaman, hindi mapigilan ng teen singer na maging emosyonal habang naaalala niya ang kanyang dating buhay.


“Parang nami-miss mo, sobra ‘yung bahay na ‘to. Grabe, and dami nitong — na-experience nito sakin, and ang dami kong napagdaanan,” sabi ni Lyca.

“Marami akong pinagdaanan dati. Alam niyo naman. Nakita niyo naman ‘yung istorya ko. Nag-MMK [“Maalaala Mo Kaya”] ako dati. Mula nung nag-“The Voice” ako guys, marami akong paghihirap na naranasan sa buhay ko,” dagdag pa niya.

“So, dito na rin talaga ako lumaki and syempre, hindi ko kayang kalimutan ‘tong lugar na ‘to, kung saan ako nanggaling,”

“Ayokong mawala siya kasi sobrang mahal na mahal ko ‘tong bahay na ‘to and hindi ko siya kayang pabayaan. Kaya kung kaya niya pa tumayo nang ganito, magii-stay siya, magii-stay talaga,” maluha-luhang sinabi ni Lyca.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result