Ang Huling Araw ni Ted Failon sa TV Patrol

Napuno ng emosyon at pasasalamat ang paglabas ni Ted Failon sa programang TV Patrol sa pinakahuling pagkakataon.
30 taon nakasama si Ted sa paghahatid ng balita sa mga tahanan natin at ngayong gabi, Agosto 31, huling beses nang mapapanood ang batikang broadcaster sa TV Patrol at Failon Ngayon sa TeleRadyo dahil nagpaalam na ito.
Nitong 30 August ay naglabas ng official statement ang ABS-CBN kaugnay sa pag-alis ng brodkaster sa kapamilya network.
Narito ang nilalaman ng official statement:
“Matapos ang 30 taon, magpapaalam na sa ABS-CBN ang batikang brodkaster na si Ted Failon. Huling beses nang mapapanood si Ted sa TV Patrol at Failon Ngayon sa TeleRadyo ngayong Agosto 31.
Ang pagpapatigil sa radio broadcast operations ng ABS-CBN ang nag-udyok sa hakbang na ito.
“Bagamat nakalulungkot, iginagalang namin ang kanyang desisyon.
“Hinahangaan namin ang kanyang husay at pagmamahal sa radio broadcasting, na pinakamabisang paraan ni Ted para mas makapaglingkod ng mabuti sa bayan.
“Nagpapasalamat kami kay Ted sa dedikasyon at paglilingkod niya sa maraming taon bilang isang mamamahayag ng Kapamilya network. Si Ted ay mananatiling isang Kapamilya habambuhay.
“Hangad namin ang ikabubuti niya sa daang kanyang tatahakin.”
Comments
Post a Comment