Posts

Showing posts from August, 2020

Ang Huling Araw ni Ted Failon sa TV Patrol

Image
Napuno ng emosyon at pasasalamat ang paglabas ni Ted Failon sa programang TV Patrol sa pinakahuling pagkakataon.

30 taon nakasama si Ted sa paghahatid ng balita sa mga tahanan natin at ngayong gabi, Agosto 31, huling beses nang mapapanood ang batikang broadcaster sa TV Patrol at Failon Ngayon sa TeleRadyo dahil nagpaalam na ito.


Nitong 30 August ay naglabas ng official statement ang ABS-CBN kaugnay sa  pag-alis ng brodkaster sa kapamilya network.

Narito ang nilalaman ng official statement:

“Matapos ang 30 taon, magpapaalam na sa ABS-CBN ang batikang brodkaster na si Ted Failon. Huling beses nang mapapanood si Ted sa TV Patrol at Failon Ngayon sa TeleRadyo ngayong Agosto 31.

Ang pagpapatigil sa radio broadcast operations ng ABS-CBN ang nag-udyok sa hakbang na ito.

“Bagamat nakalulungkot, iginagalang namin ang kanyang desisyon.

“Hinahangaan namin ang kanyang husay at pagmamahal sa radio broadcasting, na pinakamabisang paraan ni Ted para mas makapaglingkod ng mabuti sa bayan.

“Nagpapasalamat…

3 Taong Babae Tinangay sa Ere ng Saranggola

Image
Isang tatlong-taong-gulang na batang babae ang tinangay ng mahigit sa 30 talampakan sa ere nang sumabit ang kaniyang katawan sa buntot ng isang malaking saranggola sa idinadaos na kite festival sa Hsinchu City, Taiwan.

Inabot ng mahigit 30 segundo ang itinagal ng insidente at bago nasagip ng mga tao ang paslit nang maibaba na ang saranggola.



Dahil sa pangyayari, nagpasya ang mga awtoridad na tapusin nang mas maaga ang nasabing event.

Ayon sa mga magulang ng bata, bahagyang galos lang umano ang tinamo ng kanilang anak.

Ang Nakaka-iyak na House Tour sa Lumang Tahanan ni Lyca Gairanod

Image
Naging emosyonal ang teen singer na si Lyca Gairanod habang nag-house tour sa kanyang lumang tahanan sa Tanza, Cavite bago siya nagwagi sa "The Voice Kids" noong 2014.

Masayang nilibot ni Lyca ang kanilang lumang tahanan at nakipagbiruan sa kanyang lola, na siyang ngayon ang nakatira sa bahay.

Gayunpaman, hindi mapigilan ng teen singer na maging emosyonal habang naaalala niya ang kanyang dating buhay.


“Parang nami-miss mo, sobra ‘yung bahay na ‘to. Grabe, and dami nitong — na-experience nito sakin, and ang dami kong napagdaanan,” sabi ni Lyca.

“Marami akong pinagdaanan dati. Alam niyo naman. Nakita niyo naman ‘yung istorya ko. Nag-MMK [“Maalaala Mo Kaya”] ako dati. Mula nung nag-“The Voice” ako guys, marami akong paghihirap na naranasan sa buhay ko,” dagdag pa niya.

“So, dito na rin talaga ako lumaki and syempre, hindi ko kayang kalimutan ‘tong lugar na ‘to, kung saan ako nanggaling,”

“Ayokong mawala siya kasi sobrang mahal na mahal ko ‘tong bahay na ‘to and hindi ko siya kayan…

PWD na pinag-sasampal ng tricycle driver tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Image
Viral ngayon ang isang video footage kung saan isang person with disability (PWD) ang sinampal at pinag-tripan ng isang bastos na tricycle driver sa labas isang supermarket sa Cauayan, Isabela.

Kinilala ang PWD na si Sammy Agustin, at ang tricycle driver na si Juliues de Leon.

Ayon kay Agustin nagbibiruan lamang silang dalawa ng tricycle driver.

Dahil madalas daw umano siyang biruin at asarin ng driver, bumabawi din umano ito ng pang-aasar sa driver.

Ngunit mukhang hindi nagustuhan ng driver ang biro sa kanya sa mga oras na iyon ni Agustin, kaya humantong ang asaran sa pananampal sa kawawang PWD.

Biglang sinampal ni de Leon si Agustin at hindi man lang siya naawa sa kalagayan ng PWD.

Sa kabutihang palad, ang security guard sa lugar ay naawa sa PWD at pinigilan ang galit na lalaki na hindi siya masaktan.

Pangulong Duterte Napaluhod at Hinalikan ang Lupa sa Jolo, Sulu

Image
Bumisita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Jolo, Sulu para makiramay sa mga biktima ng pag-atake ng terorista na kumitil ng hindi bababa sa 15 buhay at 75 iba pang sugatan noong nakaraang Linggo, ito ay sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque noong Linggo.

“This is to confirm that PRRD visited Jolo, condoled with some of the victims of the latest blast, and conferred with the Mayor,” sabi ni Spox Harry Roque sa mga reporters.


“He is expected to be back in Manila tonight,” dagdag pa ni Roque.

Nag-alay ang Pangulo ng mga bulaklak at dasal sa pinangyarihan ng pagsabog, at pagkatapos ay nagpunta sa Camp Teodolfu Bautista upang bisitahin ang mga nasugatan sa pagsabog at ngayon ay ginagamot sa ospital ng kampo.


Kamakailan ay inanunsyo ng pangulo na bibisitahin niya ang Jolo blast site upang "bigyan ng importansya" ang mga pulis at sundalong namatay sa pagsabog.


“I’m going to Jolo, diretso ako ngayon sa Jolo, doon sa blast sight. Mabigyan ko lang ang mga sandalo natin,…

Estudyante Nagtitinda ng Isda Para May Maipambili ng Cellphone sa Online Class

Image
Mahigit 1 kilometro ang nilalakad ng isang Grade 12 student ni Ella Mae Fernando araw-araw, para makabenta ng isda sa Rosario, Cavite.

Bitbit ang isang mabigat na timba, hindi iniisip ng bata ang hirap at ang pagod.

Kaylangan niya kasing kumita para may maipambili siya ng cellphone para sa pag-aaral.

“Nahihirapan po ako maghabol ng subject, hindi ko po ma-search ang kailangang i-search, sariling sikap na lang," sabi ni Ella Mae.

Nasa limang piso hanggang sampung piso lamang ang kinikita ni Ella Mae sa bawat balot ng isda na ipinapabenta sa kaniya at nasa P600 pa lang ang naiipon ng bata.

Hiwalay ang mga magulang ni Ella Mae at nahihiya rin siyang humingi ng pera lalo na at ang kaniyang ama ay nawalan din ng trabaho simula nang magka-lockdown.

Black Panther Actor na si Chadwick Boseman Pumanaw na

Image
Matapos ang 4 na taong pakikipaglaban sa kanser, pumanaw na ang Black Panther actor na si Chadwick Boseman sa edad ba 43.

Ito ang kinumpirma ng kanyang publicist na si Nicki Fioravante sa kanyang official Twitter account.
pic.twitter.com/aZ2JzDf5ai — Chadwick Boseman (@chadwickboseman) August 29, 2020 Si Chadwick ay nadiagnosed na may Stage 3 colon cancer noong 2016, na kalaunan ay umusad sa Stage 4 sa nakaraang apat na taon.

"A true fighter, Chadwick persevered through it all, and brought you many of the films you have come to love so much. From Marshall to Da 5 Bloods, August Wilson's Ma Rainey's Black Bottom and several more, all were filmed during and between countless surgeries and chemotheraphy," sabi sa pahayag ni Nicki Fioravante

"It was the honor of his career to bring King T'Challa to life in Black Panther," dagdag nito

Payapang pumanaw ang American actor sa kanyang tahanan sa Los Angeles sa piling ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Un…

Japan Prime Minister Abe Shinzo Pinaliwanag kung bakit siya magre-resign sa Pwesto

Image
Nabalita na bababa na sa puwesto ang Prime Minister sa Japan na si Shinzo Abe dahil sa kanyang kalusugan.

Sunud-sunod ang pagpunta sa ospital nang 65-anyos na pinuno para sa  “regular health checkup” at follow-ups, matapos mabalita na sumuka ito ng dugo sa kanyang opisina noong Hulyo 2020.

Naging Punong Ministro ng Japan si Abe simula noong Disyembre 2012, kasunod ng una nitong taon sa puwesto mula taong 2006 hanggang 2007.

Agad siyang nag-resign noong 2007 dahil sa paglala ng kanyang chronic illness na ulcerative colitis, na sinabi niya noong 2012 na gumaling na raw sa tulong ng bagong gamot.

John Regala Sinabing Walang Natanggap sa mga Donasyong Nakalap ni Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro

Image
Nagsumbong ang beteranong aktor na si John Regala kay idol Raffy Tulfo na hindi siya nakatanggap ng kahit isang sentimento sa mga donasyon na-niraise para sa kanya ng mga kapwa artista na sina Chuckie Dreyfus at Nadia Montenegro.

“Wala po akong nakuhang ni-singko po sa kanilang nakalap na donasyon,” sabi ni Regala sa Radyo Singko 92.5 News FM’s “Wanted Sa Radyo” noong Martes.

“Actually humihingi nga po ako sa kanila ngunit wala silang binibigay sa akin na anumang proof kung magkano ang binigay ng kapwa kong artista, yung mga netizens o yung mga kapwa kong tao,” dagdag pa nito.

Nagviral si Regala matapos siyang tulungan ng isang food delivery driver, na nakita siya sa kanyang nakakaawang na estado.

Ang aktor, na kilala sa kanyang mga papel na kontrabida sa mga pelikula at palabas sa TV, ay naghihirap ngayon sa liver cirrhosis at severe gout.

Dahil sa nakitang kalagayan ng aktor, ang kapwa artista na sina Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro at ang beteranang manunulat na si Aster Amoyo a…

LTO: Driver's License Validity Gagawing 10 Years sa mga Qualified na Motorista

Image
Inanunsiyo ng Land Transportation Office na simula sa Oktubre 2021 ay maaari nang makapag-renew ng lisensiya na valid nang hanggang sa 10 taon.

Pero paliwanag ng LTO hindi lahat ay mabibigyan dahil depende ito sa linis ng record ng isang motorista.

Kung may paglabag, hanggang 5 taon lamang ang validity ng lisensiya.

Makatutulong ito para hindi na magpabalikbalik sa LTO para magrenew ng lisensiya at makabawas sa gastos.

“Tumakbo ka munang kagawad!” Arnold Clavio, Hinamon ng isang netizen matapos nitong Batikusin ang Pangulo

Image
Matapang na hinamon ng isang Davaoeño si Arnold Clavio, ilang araw matapos na batikusin ng mamamahayag si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa loob lamang ng ilang araw, nakuha ni Clavio ang pansin ng mga netizen dahil sa kanyang reaksyon sa pahayag ni Pangulong Duterte na hindi sapat ang badyet ng gobyerno.

Hindi kumbinsido si Clavio sa sinabi ni Pangulong Duterte na may utang ang Pilipinas sa mga bangko.

"Walang pera!" Narinig na naman natin yan kagabi kay Pangulong Duterte. Wala ng pera, wala pang bakuna, so wala na?” sabi Clavio.

“At kung ngang walang pera, bakit pa nagpasa ng P162B na stimulus package para sa Bayanihan Act 2 ang Kongreso? Bago ito ipasa, inalam muna nila kung may pagkukuhanan nga na pondo ang gobyerno. Wala bang pera o walang diskarte?” dagdag pa nito

Sinabi ng isang Davaoeñong netizen na si Monching Lumantas, na dapat tumakbo muna si Clavio bilang isang Kagawad upang malaman niya kung paano tumatakbo ang gobyerno.

Ayon kay Lumantas, tila hindi nakinig si Cla…

'Walang bahong hindi lalabas': Sarah Balabagan Ibinunyag na si Arnold Clavio ang Ama ng Kanyang Panganay na Anak

Image
Nagulat ang mga netizen sa rebelasyon ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) ni Sarah Balagbagan-Sereno tungkol sa isang kilalang Broadcaster na si Arnold Clavio.

Apat na araw na ang nakalilipas, kinumpirma ni Balagbagan ang mga ulat tungkol sa kanyang kaugnayan kay Arnold Clavio noong siya ay 17 taong gulang lamang.

Naging viral si Balagbagan noong 1994 dahil ipinagtanggol niya ang kanyang sarili laban sa kanyang amo sa United Arab Emirates.

Siya ay 14 taong gulang lamang sa oras na iyon at nagsinungaling siya tungkol sa kanyang edad upang makakuha ng trabaho sa ibang bansa.

Pagbalik niya sa Pilipinas, bigla siyang nabuntis at mayroong haka-haka kung sino ang ama.

Sa isang video, itinanggi ni Balagbagan na ang nakabuntis sa kanya ay ang yumaong Kongresista na si Roy Senares, o si Rey Langit.

Sinabi niya na ang tunay na ama ng kanyang panganay ay si Clavio na tinawag niyang "Kuya Arnold" na nagcover sa kanyang kwento.

“Inaamin ko po na ang ama ng aking panganay ay si Arno…

LOOK: Pinakabagong Disenyo ng P1000, P500 Bill Isinapubliko ng BSP

Image
Mga enhancements sa disenyo ng ating mga salaping papel.

Ang serye ng mga salaping papel ng NGC ay siyam (9) na taon nang nasa sirkulasyon kung kaya’t kinakailangan ang mga pagpapahusay sa mga tampok panseguridad nito.

Bilang kasanayan, ang mga central banks ay regular na nagbabago ng mga disenyo at tampok panseguridad ng kanilang mga salapi tuwing ika-10 taon, upang maprotektahan ang integridad ng salapi.

Ayon sa Committee on Currency Design and Enhancement (CCDE), kinakailangang mapaghusay at mas lalong mapaganda ang disenyo at mga tampok panseguridad ng mga salaping papel na ito upang mas mapadali ang pagtukoy ng pagkakaiba ng bawat denominasyon at upang maitampok ang mga pinakabagong teknolohiya na laban sa pamemeke.


50-piso Enhancements

- TACTILE MARK: 1 pares ng mga maiikling pahalang na linya na nakaimprenta sa tintang intaglio ay matatagpuan sa dulong kanan at kaliwang panig ng salapi

- EMBEDDED SECURITY THREAD: nanatiling 2mm ang lapad


100-piso Enhancements

- TACTILE M…

Yorme, Isinara ang 4 na establishments sa Divisoria na nagpapakilalang na address nila ay nasa 'Manila, Province of China'

Image
Ipinasara ni Manila City Mayor Isko Moreno nitong Huwebes ang 4 na business establishments ng isang mall sa Binondo, Maynila na nagtitinda ng beauty products kung saan nakasaad sa pakete na 'Manila, Province of China'.

“Oo kasi yun ay misrespresentation. Wala pong Binondo sa China. Ang Binondo ay nasa Maynila. Malaking insulto po yun,” sabi ni Manila Bureau of Permits Levi Facundo .

Natagpuan ni Facundo ang mga stall matapos matanggap ang isang tip mula sa mga reklamo na ang mga produkto ng negosyo ay may isang address na nakakabit sa label na nagsasaad, "707 Santo Cristo Binondo, Manila, Province of China.”

Sinabi ni Facundo sa mga reporter na titingnan nila kung may mga permit ang mga stall upang mabawi ito.

Dagdag pa niya, susuriin din nila kung ang mga produkto ay akreditado ng Food and Drug Administration (FDA).

Trillanes kay Cayetano 'Hindi kita Papapormahin'

Image
Sinubukan ni Trillanes na takutin si Sen. Peter Allan Cayetano. "Hindi kami papapormahin"



"Madame chair, I am trying to ask questions. [But] he told me here, 'Di kita papapormahin,' and then he tells me here, 'Nabubuo pangarap mo, you are defending evil.' So, Madame chair, I'm trying to get to the bottom of this at kung totoo sinasabi, tatabihan 'nyo ko. ita-trash talk 'nyo ko. I never did that to any of my colleagues," sabi ni Cayetano kay De Lima.

"Masyado mahaba, 'yung pasikot-pasikot, masyadong madaldal. Kumbaga it's quite annoying and irritating already. Sana he gets to the point," sabi ni Trillanes.

Guro na Pumapasok para Maghanda ng Modules Nagka-Covid-19

Image
Tinamaan ng COVID-19 ang isang guro sa Baguio City na pumapasok noon para ihanda ang mga module para sa pagbubukas ng klase.

Naglakas-loob na magpakilala sa publiko ang public school teacher na si Norberto Rodillas matapos itong magpositibo sa COVID-19.

Takot at lungkot ang kaniyang naramdaman dahil nagpositibo rin sa naturang sakit ang kanyang kapatid at parehong magulang.

Humihingi siya ng paumanhin sa mga kapwa guro, kaibigan at iba pang kakilala na kanyang nalapitan.

Ayon sa LGU ng Baguio City, posibleng nahawa ang guro sa ate nito na isa ring guro na pumapasok noon para ihanda ang mga module para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

"His older sister contracted the virus while working— preparing the modules with the other teachers in preparation for the resumption of classes. Then one after the other, the other members of the family tested positive," ayon sa public information office ng Baguio City.

DepEd Postponed Opening of Classes on August 24

Image
Education Secretary Leonor Briones announces the postponement of the opening of classes on August 24.

Briones said opening of classes will be moved to October 5, 2020.


Statement of Secretary Leonor Magtolis Briones
On the Opening of Classes

This morning, we received a memorandum from the Office of the President that the President has already made the decision in respect to the recommendation that I have submitted to him on August 6, in response to the implications of imposition of Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) in Metro Manila and in the provinces of Cavite, Bulacan, Laguna and Rizal.

As per the memorandum, the President has given approval to the recommendation of DepEd. Thus, we will implement such a decision to defer school opening to October 5 pursuant to Republic Act No. 11480. We shall use the deferment to provide relief to the logistical limitations faced by the areas placed under MECQ and to fill in the remaining gaps of the school opening that we are currently addr…

Bagong virus sa Tsina Kumitil ng 7 at Nakahawa sa higit 60 Katao

Image
Habang ang mundo ay patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19 at ang bansang India ay umuusbong bilang pinakamalaking hotspot, isang bagong virus - tick-borne virus - ang lumabas ngayon sa China.

Ang bagong viral infection ay kumitil ng pitong katao sa Tsina, at kumalat sa higit sa 60 iba pang katao sa mga lalawigan ng Jiangsu at Anhui sa East China.

Ang sakit ay nakakahawa at sanhi ng tick-borne virus (TBV).

Ilang mga guro, tinamaan ng COVID-19 matapos mag-report sa mga eskuwelahan

Image
Tinamaan na umano ang ilang mga guro ng COVID 19 matapos pisikal na mag-report sa mga eskuwelahan.

Ayon kay Benjo Basas national chairperson ng The Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na isa raw sa nagpositibong guro ay ang kanilang presidente (TDC), Manila chapter na si Ildefonso “Nono” Enguerra III.

May tatlo pa umano na nagpositibong guro sa parehong eskwelahan kung saan ito nagtatrabaho, meron din umanong ganitong kaparehong kaso sa Calauag Quezon.

Ipinaaaabot na ng grupo sa DepEd ito kasabay ng pagapela na ipostpone muna ang pagbubukas ng klase sa August 24.

Maliban sa banta ng virus. Hindi pa raw tapos ang mga gagamiting mga modules.

Binigyang linaw naman ito ng DepEd na hindi nila inoobligang mag-report ang mga guro sa mga paaralan lalo na at may mga alternative work arrangements naman ang mga ito.