Pangulong Duterte tinawag na ipokrito si Drilon sa SONA 2020

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa unang punto nito sa kanya ika-limang State of the Nation Address nitong Lunes.
Sinabi ng Pangulo na nang makita niya ang mga kontrata sa pagtatatag ng mga kompanya ng tubig, kuryente at komunikasyon o telepono, sangkot dito ang law office na ACCRA.
“Were you a part of ACCRA when this contract of (Manila) Water is being drafted? Bakit kasi ikaw lang ang galit sa dynasty? You are a hypocrite,” buwelta ni Pangulong Duterte sa senador.
At kasama rin umano si Drilon bilang mambabatas upang mapasakamay sa mga oligarko ang pinakamalalaking kontrata sa tubig, kuryente at komunikasyon o telepono.
Comments
Post a Comment