Francine Prieto kay Duterte: “Sana magresign na siya ngayong 2020.”

“Sana magresign na siya ngayong 2020. Hanggang pang-mayor lang siya, hindi kaya maging presidente. Isama na rin yung mga nakapaligid sa kanya.”
Yan ang birada ng dating sexy star na si Francine Prieto kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa termino umano niya naipasara ang ABS-CBN network at ang pagpapasa ng Anti-Terrorism Law.
Sabi pa ni Prieto na sobrang bait raw ng mga Pilipino dahil kung sa ibang bansa raw nangyari ang mga ito ay baka sinira na raw ng mga tao ang mga pagmamay-ari ng gobyerno.Sana magresign na siya ngayong 2020. Hanggang pang-mayor lang siya, hindi kaya maging presidente. Isama na rin yung mga nakapaligid sa kanya.— Francine Prieto-Shotkoski (@NorWEIRDgian) July 26, 2020
“Sa totoo lang, ang bait nating mga Pilipino. Tinatarando na tayo, ginagago na tayo, umaalma lang tayo. Grabe tayo magtiis. Ninanakawan na tayo, pero pinipilit pa rin nating intindihin sila. Kung iba yan, sinunog na mga bldgs, properties ng taga-gobyerno o pinatay na sila.”
Sinabi din ng dating sexy star na hindi raw kaya ni Pangulong Duterte ang mamuno sa bansa at sana raw ay magresign na ito. Aniya, ipasa nalang daw kay Vice President Leni Robredo ang Covid-19 issue dahil mas marami raw itong nagawa.Sa totoo lang, ang bait nating mga Pilipino. Tinatarando na tayo, ginagago na tayo, umaalma lang tayo. Grabe tayo magtiis. Ninanakawan na tayo, pero pinipilit pa rin nating intindihin sila. Kung iba yan, sinunog na mga bldgs, properties ng taga-gobyerno o pinatay na sila.— Francine Prieto-Shotkoski (@NorWEIRDgian) July 25, 2020
“Hindi kaya ni Presidente Duterte mamuno sa atin, sana nagresign nalang siya. O kung ayaw magresign sana ipinasa nalang niya kay VP Leni etong COVID-19 issue kahit nung April, mas may plano at marami pang nagawa ang OVP.”
Hindi kaya ni Presidente Duterte mamuno sa atin, sana nagresign nalang siya. O kung ayaw magresign sana ipinasa nalang niya kay VP Leni etong COVID-19 issue kahit nung April, mas may plano at marami pang nagawa ang OVP.— Francine Prieto-Shotkoski (@NorWEIRDgian) May 18, 2020
Comments
Post a Comment