Posts

Showing posts from July, 2020

Francine Prieto kay Duterte: “Sana magresign na siya ngayong 2020.”

Image
“Sana magresign na siya ngayong 2020. Hanggang pang-mayor lang siya, hindi kaya maging presidente. Isama na rin yung mga nakapaligid sa kanya.” Yan ang birada ng dating sexy star na si Francine Prieto kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa termino umano niya naipasara ang ABS-CBN network at ang pagpapasa ng Anti-Terrorism Law. Sana magresign na siya ngayong 2020. Hanggang pang-mayor lang siya, hindi kaya maging presidente. Isama na rin yung mga nakapaligid sa kanya. — Francine Prieto-Shotkoski (@NorWEIRDgian) July 26, 2020 Sabi pa ni Prieto na sobrang bait raw ng mga Pilipino dahil kung sa ibang bansa raw nangyari ang mga ito ay baka sinira na raw ng mga tao ang mga pagmamay-ari ng gobyerno. “Sa totoo lang, ang bait nating mga Pilipino. Tinatarando na tayo, ginagago na tayo, umaalma lang tayo. Grabe tayo magtiis. Ninanakawan na tayo, pero pinipilit pa rin nating intindihin sila. Kung iba yan, sinunog na mga bldgs, properties ng taga-gobyerno o pinatay na sila.” Sa toto

Pangulong Duterte | West Philippine Sea Malabong Makuha ng Pilipinas laban sa China

Image
Inamin ni Pres. Duterte na malabong makuha ng Pilipinas ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea laban sa China dahil mag-uugat lang daw ito sa giyera. "China is claiming it, we are claiming it. China has the arms. We do not have it so it’s simple as that. They are in possession of the property… So what can we do? We have to go to war, and I cannot afford it. Maybe some other President can, but I cannot," sabi ng pangulo "Inutil ako d’yan and I’m willing to admit it. Talagang inutil ako d’yan, walang magawa," dagdag pa nito.

Pangulong Duterte tinawag na ipokrito si Drilon sa SONA 2020

Image
Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa unang punto nito sa kanya ika-limang State of the Nation Address nitong Lunes. Sinabi ng Pangulo na nang makita niya ang mga kontrata sa pagtatatag ng mga kompanya ng tubig, kuryente at komunikasyon o telepono, sangkot dito ang law office na ACCRA. “Were you a part of ACCRA when this contract of (Manila) Water is being drafted? Bakit kasi ikaw lang ang galit sa dynasty? You are a hypocrite,” buwelta ni Pangulong Duterte sa senador. At kasama rin umano si Drilon bilang mambabatas upang mapasakamay sa mga oligarko ang pinakamalalaking kontrata sa tubig, kuryente at komunikasyon o telepono.