Sanggol na COVID-19 survivor sa Pilipinas, Pumanaw na

Suma-kabilang buhay na rin ang tinuturing ng pinakabatang COVID-19 survivor ng bansa na si Baby Kobe.
Matatandaang siya ang 16 araw na sanggol na naka-recover sa nakamamatay na virus noong Abril 28.
"'Yung paglaki ng tiyan niya na hindi siya makadumi, 'yun po ang ooperahan doon sa kaniya," sabi ng tiyahin ni Kobe
"Tapos po um-okay naman na siya eh, lagi na po kaming naga-update na okay naman daw," dagdag pa niya
"Tapos kagabi (Wednesday) po nagulat na lang po kami, mga 1 a.m. po, bigla po siyang nagkombulsyon. Tapos 'yun na po, biglang nag-zero zero na," sabi niya
Sinabi ni Manjares na pinaghihinalaang din ng mga doktor na namatay si Baby Kobe dahil sa impeksyon sa kanyang dugo.
"Ang hirap nga po, nagulat na lang po kami kagabi noong tumawag nga 'yung kapitbahay namin na pinaalam sa akin, iyak nang iyak na po 'yung kapatid ko, tapos kausap 'yung asawa sa cellphone, 'yun lang," sabi ng tiyahin ni Kobe
"Kasi nga po naka-survive na po siya eh tapos biglang nagkaganoon," dagdag pa niya.
Comments
Post a Comment