Panibagong Lockdown Rules idedeklara ng Pangulo sa June 15!

Panibagong lockdown rules ang nakahandang ideklara ni Pangulong Duterte sa darating na June 15 at sa pasyang ito ay nakasalalay ang kapalaran ng quarantine ng komunidad na ipinataw sa bansa ayon kay spokesperson Harry Roque.
Ang IATF ay mayroon ng rekomendasyon noong Miyerkules ngunit tumanggi si Roque na i-discuss kung ano ang kanilang ipepresinta sa Pangulo.
"The only options are magiging modified GCQ, GCQ, o modified ECQ. Hindi masyadong bago o different ang mga classifications na pwede papuntahan ng Metro Manila at Cebu City," sabi niya sa kanyang regular briefing.

Nabanggit niya na ang pokus ay ngayon sa Metro Manila at Cebu City, kung saan pinakamarami ang newly-recorded COVID-19 cases na naitala sa bansa.
"It does not inspire relaxation, but the announcement is subject to appeal and would be announced by the President," sabi niya.
Ang Department Of Health ay nakapagtala nitong Miyerkules ng mahigit 740 na infected, na may 452 na kumpirmado sa huling tatlong araw.
Ang bansa ngayon ay mayroong 23,732 kaso, na may 4,895 na recoveries at 1,027 na namatay.
Comments
Post a Comment