Oldest active actress sa Pilipinas pumanaw na

Pumanaw na ang beteranang aktres na si Anita Linda sa edad na 95
Ito’y base umano sa kumpirmasyon ng kanyang anak na si Francesca Legaspi Bandang 6:15 ng umaga ngayong Hunyo 10
Wala pa namang nabanggit kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng tinaguriang “oldest active actress” sa edad na 95.
Ilan sa pelikula ng award-winning actress ang “Ang Babae sa Bubungang Lata,” at pinakahuli ay ang “Circa” na naging entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino
Dalawang beses na ring nanalo si Anita sa bilang "best supporting actress" ng FAMAS para sa mga pelikulang "Tatlo, Dalawa, Isa" at "Babae sa Bubungang Lata."
Nagwagi na rin siya bilang "best actress" para sa pelikulang "Lola" sa Gawad Urian at "best supporting actress" para sa "Takaw Tukso." Nasungkit din niya sa parehong patimpalak ang "Lifetime Achieve Award" noong taong 1982.
Comments
Post a Comment