Mga Volunteers at Education grads, Pwedeng tumulong sa self-learning ng mga Estudyante ayon sa DepEd




"Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, bagamat naniniwala silang malaki ang papel na gagampanan ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak sa ilalim ng new normal, marami pa aniya ang bukas na tumulong.

“Gagamit tayo ng mga volunteers, mga education graduates or teacher applicants, or licensed teachers na wala pang trabaho na willing maging bahagi sa pagpapatuto sa mga bata habang sila ay nag-aaral sa mga bahay,” saad ni San Antonio sa isang panayam.

“May mga local governments, syempre hindi naman lahat, na nagsabi na okay silang magbigay ng honorarium para kaunting financial na benepisyo rin sa mga tutulong doon sa mga pamilya na ang magulang ay nagtatrabaho o walang kakayahang magbigay ng gabay sa pag-aaral ng kanilang mga anak.”

Nilinaw ni San Antonio na in-charge ang schools division offices sa pakikipagtulungan ng local government units sa pag-recruit ng mga volunteer sa lugar kung saan sila kakailanganin.

“Schools are expected to coordinate with LGUs in recruiting volunteer home learning facilitators who are preferably college or education graduates, and willing to undertake an orientation,” ayon kay San Antonio sa isang text message.

“When they visit homes, they are expected to observe the health protocols on social distancing and wearing of masks.”

Tumalima ang Department of Education sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang face-to-face classes hanggat wala pang bakuna para sa COVID-19.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, handa ang ahensya na tanggapin ang hamon sa pag-aalok ng alternatibo sa physical classes, kagaya ng online at “blended” learning."

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo