Hindi FDA registered na de-lata kasama sa ayuda na ibinigay sa Muntinlupa

Nangamba ang ilang residente sa Muntinlupa City matapos malamang hindi pala rehistrado sa FDA ang ilan sa de-latang natanggap nila bilang ayuda.
Ayon sa residente may mga sumakit ang tiyan at napansin ang kakaibang lasa, kulay at itsura ng mga produkto.

Kasunod nito naglabas ng Public Health Warning o Advisory ang Food and Drug Administration (FDA) tungkol sa pagbili o pagkain ng dalawang unregistered food products.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng FDA ang Manufacturer at sumulat na rin sa LGU na umano’y pinanggalingan ng mga relief goods.
Babala ng FDA, dahil hindi dumaan sa masusing proseso at eksaminasyon sa kanilang ahensiya ang nasabing mga de lata, posible itong magdulot ng masamang epekto sa kalusugan.
Comments
Post a Comment