Ben Tulfo Sinermonan si Frankie Pangilinan "Batang bata ka pa para malaman ang mundo"

May mensahe ang mamamahayag na si Ben Tulfo sa anak ni Senador Francis "Kiko" Pangilinan, na si Frankie, laban sa victim-blaming.
Kahapon, nag-reak si Frankie sa balita tungkol sa isang post sa social media mula sa Lucban, Quezon Province police station na nagpapayo sa mga kababaihan na magbihis ng maayos kung nais nilang maiwasan ang maging biktima ng mga mandaragit.
“Mahalin natin ang mga kababaihan at huwag niyo abusuhin ang kanilang kabaitan,” ayon sa post ng police station.
“Kayo naman mga ghErlsz, wag kayo mag suot ng pagkaikli-ikling damit at pag naman nabastos ay magsusumbong din sa amin,” dagdag pa nila.

Pinuna ni Frankie ang police station para sa paggawa ng mga nasabing post.
“Stop teaching girls how to Dress? Teach people not to r*pe,” sabi ni Frankie

Nakita ni Ben Tulfo ang post ni Frankie, at sinabi na siya ay masyado pang bata upang malaman ang lahat sa mundo.
Ayon sa beteranong mamamahayag, walang pag-asang turuan ang mga mandaragit na maging magalang sa mga kababaihan.
Iminungkahi niya na ang tanging bagay na magagawa ng kababaihan ay ang magbihis ng naaangkop upang ang mga mandaragit ay hindi targetin ang mga ito.
“Hija, iba mag-isip ang mga manyakis at mga rapists. Hindi natin sila matuturuan at mababago ang kanilang pagnanasa at pagiging kriminal,”sabi ni Tulfo.
“Ang tanging magagawa ay manamit ng tama. Huwag nating pukawin ang pagnanasa nila. Ito ang iyong magagawa,” dagdag niya.
Nabanggit din ng mamamahayag ang kontrobersyal na batas na ginawa ng ama ni Frankie.
“Bago natin sila baguhin, baguhin muna natin ang sarili’t pag-iisip natin. Gets mo Hija? Tatay mo ang author ng Juvenile Law,”pahayag ng mamamahayag.

Comments
Post a Comment