82-Anyos Street vendor na araw-araw nilalakad mula Pasay hanggang Makati binigyan ng libreng biseklata mula sa shop owner

Libreng bisikleta para kay Tatay Carlos!
Ayon sa may-ari ng isang bicycle shop sa Pasay City, araw-araw simula May 15 daw dumadaan ang isang matandang lalaki sa tindahan nila para magtanong kung may bisikleta na puwede bilhin, pero sold-out palagi ang mga ito.
Kahapon ay dumaan ulit si Tatay Carlos para tanungin kung puwede niya bilhin sa halagang P2,000 ang isang bagong bisikleta na P4,800-P4,500 ang presyo.
Dahil naramdaman ng may-ari na kailangan talaga ni Tatay Carlos ang bisikleta at ipinakita pa ang naipon niyang pera, nagpasya siya na ibigay ito ng libre, kapalit ng ngiti ni tatay.
Napag-alaman nila na galing Nichols ay naglalakad raw papuntang Makati City si Tatay Carlos para magbenta ng kendi. Siya ay 82-anyos na raw.
Mensahe ng may-ari ng bicycle shop sa publiko: "Sa sobrang dami po na gusto tumulong kay Tatay, sigurado po ako na sobra-sobra po ang kanyang matatangap.
Hindi n'yo na po kailangan lumayo para tulungan si Tatay Carlos, madami pong Tatay Carlos sa paligid nyo.
Maaring bata po sya, babae, buntis etc. buksan n'yo lang po ang mga mata n'yo, tiyak po meron Tatay Carlos ng buhay n'yo."
Comments
Post a Comment