Teacher na nag-offer ng P50M reward sa papatay kay Duterte, arestado ng NBI




Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na nag-post sa kaniyang Twitter na magbibigay siya ng pabuya sa sinumang makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Gamit ang Twitter handler na @RonPrince_ ay nag-post ang 25 anyos na guro na si Ronnel Mas ng “I will give P50M reward kung sino makakapatay kay Duterte.”

Nagsisisi si Ronnel Mas sa kanyang ginawa. May mga video rin na lumabas matapos itong maaresto kung saan makikita siyang umiiyak at humihingi ng tawad.

“Nagso-sorry po ako kay President Rodrigo Duterte dahil nagawa ko yun… hindi ko po intensyon yun.”

Inamin din ng suspek na gusto lamang niya na mayroong pumansin sa kanya sa Twitter kaya nagawa niya ang “wrong move” na post.

Umani umano ng negatibong komento ang post na ito kaya kanyang binura subalit marami na ang nakapag-screen grab nito.

Agad namang natunton ng NBI ang kinaroroonan ni Mas at ito ay inaresto.

Nakaabot sa kaalaman ng National Bureau of Investigation ang post kaya hinanap nila ang suspek na naaresto sa Brgy. Poblacion North, Sta. Cruz, Zambales. Dinala ito sa central office ng NBI sa Maynila.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result