Pangulong Duterte Nag-alok ng Pabuya sa mga Mag-rereport sa mga Officials na Nangungurakot ng SAP

Nangako si Pangulong Duterte na magbibigauy ng pabuya sa sinumang magsumbong sa mga opisyal ng gobyerno na mangungurakot sa ayudang ibinibigay ng gobyerno o SAP.
Sa meeting ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-alok ng P30,000 si Pangulong Duterte sa sinuman na tutulong sa national government mahuli ang mga korap na officials.
“Siya po ay magbibigay ng pabuya na 30,000 pesos sa lahat ng po ng mga mag rereport ng local officials na kumakana o kinukurakot ang mga ayuda para sa mahihirap,” sabi ni Spox Roque
Sinabi din ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring tumawag ang mga may sumbong sa hotline ng gobyerno na 8888.
Sa isang public address, partikular na pinangalanan ni Duterte ang kagawad ng Hagonoy, Bulacan na si Danilo Flores na ibinulsa ang malaking bahagi ng P6,500 na ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng SAP.
“Sinabi ko na sa inyo kung may gawin kayo wag sa panahong ito,” sabi ni Duterte.
Comments
Post a Comment