Mga OFW hindi Required Magbayad ng PhilHealth Premium

Hindi na oobligahin ng pamahalaan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na magbayad ng 3% ng kanilang buwanang sahod para sa premium contribution sa PhilHealth.
Ito ay matapos na utusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilHealth na gawing boluntaryo lamang ang premium contribution para sa mga OFW’s.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na rin kailangan ng mga OFW’s na bayaran ang kanilang PhilHealth premium contribution para makakuha ng overseas employment certificate.
Matatandaang sa ilalim ng dirketibang inilabas ng PhilHealth nakasaad na ang mga OFW’s na may buwanang kita na P10,000 hanggang P60,000 kada buwan ay kinakailangang maghulog ng 3% ng kanilang buwanang sahod para sa kanilang premium contribution.
Salamat po Pangulong Duterte....
ReplyDelete