P3,500 kada SAP Binubulsa ni Kagawad, Arestado!

Isang barangay kagawad sa Hagonoy, Bulacan ang hinuli ng mga pulis matapos na ireklamo sa pagbulsa ng P3,500 sa mga benepisyaryo ng social amelioration program o SAP.
Inaresto si Danilo Flores sa Barangay San Agustin dahil sa panggagantso sa mga residente ng nasabing barangay ayon kay Hagonoy police chief Col. Roginal Francisco,
Nag-trending si Flores sa social media matapos na makuhanan sa sinabing kukunin ang P3,500 ng cash assistance para maibigay ng mayor ng Hagonoy sa mga walang matatanggap sa SAP, ibig sabihin ay P3,000 lang ang natatanggap ng bawat residente.
Itinanggi naman ni Hagonoy Mayor Raulito Manlapaz ang sinabi ni Flores at sinabing wala siyang kinalaman sa “raket” ng kagawad.
Pera nauubos yan yung ginawa mo panghabambuhay yan sakop pati sa pagaalimura ng mga tao ang mga pamilya at kamaganak mo, hirap na buhay ng tao ginawaan mo pa ng masama!
ReplyDelete