Nasa 22 Milyong Mag-aaral Balik Eskuwela Matapos i-Lift ang Lockdown sa Vietnam

Matapos ang tatlong mahabang buwan, Winakasan na ng Vietnam ang lockdown sa nasabing bansa at ngayo'y nagsisimulang bumalik sa normal ang buhay na mga mamamayan nito.
Sa katunayan, binuksan muli ang pinto ng mga paaralan upang salubungin ang kanilang mga mag-aaral
Milyun-milyong mga mag-aaral sa Vietnam ang bumalik sa klase noong Lunes matapos iulat ng bansa ang ika-17 straight day na walang domestically transmitted ng coronavirus infections.
"Masayang-masaya ako at nasasabik dahil nakakabored na nasa bahay," sabi ng 11-anyos estudyante na si Pham Anh Kiet.
Comments
Post a Comment