Mula P100-M naging P200k! Francis Leo Marcos inaming naubusan na siya ng pera dahil sa pagtulong sa mga tao

Tatlong linggo bago siya mailagay sa ilalim ng kustodiya ng National Bureau of Investigation, sinabi ni Norman Mangusin, na mas kilala bilang Francis Leo Marcos na nagastos na niya ang 99% ng kanyang pera na naka-deposito mula sa kanyang mga bank accounts dahil sa pagtulong sa mga tao.
Sa kanyang vlog, sinabi ni Marcos na bago niya simulan ang 'Mayaman Challenge' ay mayroon siyang 100-M pesos sa kanyang bank account, ngunit ngayon sinabi niya na 200,000 pesos lamang ang natitira.
Ayon sa kanya, nakipag-usap na siya sa kanyang mga kasosyo upang matulungan siyang pondohan ang kanyang mga aktibidad na philanthropic dahil hindi niya kayang huminde sa mga taong humihingi ng mga donasyon.
“Kinausap ko na ‘yung mga partners ko kasi malaki na po yung ating gastos at talaga namang ubos na po ang aking savings, ang natira nalang po out of 100+ million ay 200,000 (pesos) nalang, “ sabi ni Marcos
“Pinaghirapan ko ng mahabang panahon, pinagpaguran, pinagtuluan ng pawis at luha… minsan nakakasama lang ng loob dahil binigay mo na ‘yung buhay mo sa mamamayan, mayroon talagang mga taong utak demonyo,” dagdag niya.
Sinabi ni Marcos na upang malutas ang kanyang problema, napunta siya sa kanyang kaibigan upang kunin ang pera na kinita niya mula sa pagbebenta ng kanyang mga shares ng kanyang kumpanya.
“Ipagbibili ko ang aking share, nagkakahalaga lamang po siguro ng mga kaunti lamang po,” he said.
Inihayag din ng negosyante na ang ilang mga grupo ay sinubukan i-extort ang kanyang pera, ngunit hindi niya pinansin ang kanilang mga demands at hinamon silang dalhin ang labanan sa "korte".
Comments
Post a Comment