Mga Patay ‘Bumangon sa hukay’ Para Tumanggap ng SAP

Kinumpirma ng DSWD na may mga patay na ngunit nagawa pang makatanggap ng Social Amelioration Program o SAP.
Sinabi ni DSWD secretary Rolando Bautista, na ito ay ilan lamang sa maraming mga reklamong nakararating sa kanilang tanggapan sa harap ng tuloy-tuloy na pagbibigay ayuda ng pamahalaan sa mga nangangailangan ngayong may nararanasang krisis dahil sa coronavirus disease.
Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Sec. Bautista na sa pamamagitan ng pamemeke ay nagagawa ng mga mapagsamantala na makakubra ng SAP financial assistance mula sa pamahalaan.
Kaugnay nito, tiniyak namain ni Sec. Bautista na mahaharap sa kasong kriminal o administratibo ang mga taong tumanggap ng tulong pinansiyal sa gobyerno para sa mga kaanak na namatay na.
Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na marami na silang natanggap na reklamo hinggil sa mga patay na nakasama sa ayuda ng social amelioration program.
Bukod sa kasong kriminal at administratibo, kailangang isauli ang natanggap na pera.
Comments
Post a Comment