Mga Estudyante Ligtas sa Pagbubukas ng Klase sa August 24 —Sec Duque

Ayon kay Duque, naniniwala ang ahensya ng DOH na ligtas ang pagbubukas ng klase sa Agosto, basta masusunod lamang ang minimum health standards.
Paniniwala ito ni Health Secretary Francisco Duque III bagamat pinag-aaralan pa rin nila ang rekomendasyong balik eskuwela sa nasabing buwan.
“Sa ngayon sa tingin namin ay ligtas kung bubuksan ang klase by August 24”
Ang minimum health standards na tinutukoy ng DOH ay ang physical distancing, paghuhugas ng madalas ng mga kamay, disinfection ng mga silid aralan, at pagkakaruon lagi ng alcohol at sanitizer.
Makakatulong din aniya ang health screening sa mga papasuking estudyante at pagbibigay ng advisories sa mga magulang kung paano aalalayan ang mga batang makakaramdam ng sakit.
“We hope the vaccines will be available the soonest possible time. But habang wala pa, siguraduhin lang natin ang minimum health standards are met to mitigate the risks to our school children,”
Inihayag ni Education Secretary Leonor Briones ang pagbubukas ng klase sa August 24 subalit mahigpit itong tinututulan ng Pangulong Rodrigo Duterte hanggat walang bakuna.
Comments
Post a Comment