Mga Asymptomatic `Di Makakahawa ng COVID Ayon kay Duque




Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. Wala pang ebidensiya, batay sa pahayag ng World Health Organization (WHO), na nakakahawa ang mga asymptomatic sa COVID-19.

Tinanong ni Senador Nancy Binay si Duque kung paano mahahanap ng gobyerno ang mga ‘silent spreader’ ng naturang sakit.

“May tinatawag tayo na positive pero walang exposure. Hindi sila kasama sa apat na criteria. So, paano natin mahahanap itong mga spreader na tinatawag nating asymptomatic?” tanong ni Senador Binay kay Secretary Duque.

Sagot ng kalihim, wala pang ulat o ebidensya ang WHO na magpapakita na nakakahawa ang mga pasyenteng asymptomatic.

“Ang WHO, hanggang ngayon po, wala po silang ulat o ebidensyang nakakalap na magpapakita na nakakahawa ang mga asymptomatic,” pahayag ni Duque.

“This does not exclude the possibility that it may occur. Asymptomatic cases have been reported as part of contact tracing efforts in some countries,” ayon sa April 2 report ng WHO dagdag pa ni Duque.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo