Magbabanta kay Pangulong Duterte, Pamilya aarestuhin

Nagbabala sa publiko ang Presidential Security Group (PSG) na huwag pamarisan ang dalawang lalaking inaresto matapos mag-alok ng pabuya sa social media sa sinumang makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PSG Commander Col. Jesus Durante, aarestuhin ang lahat nang magbabanta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte maging sa buong pamilya nito.
“As we fight this pandemic, may we choose to utilize social media platforms to make useful contributions and not violate any law in expressing personal views and opinions,” sabi ni PSG chief Jesus Durante sa statement.
Ayon sa PSG, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agency para i-monitor at hulihin ang sinumang gagawa ng nasabing paglabag sa batas.
Naglabas ng pahayag ang PSG matapos maaresto ang isang guro at isang construction worker, na kapwa nag-alok ng reward sa sinumang papatay sa Pangulo.
Comments
Post a Comment