LIBRENG INTERNET Isunusulong ni Senador Lito Lapid para sa mga estudyante at guro

Isinusulong ni Senador Lito Lapid ng isang resolusyon para malaman kung maaaring iutos sa mga telco companies na magbigay ng libreng internet access sa online learning portals at educational websites habang mga Covid-19 pandemic.
Sa Senate Resolution No. 416, sinabi ni Lapid na magbebenepisyo ang mga estudyante at mga guro sa panahon ng kalamidad at emergency kung mabibigyan sila ng free internet service.
Ayon sa senador, sa mga panahon ng kalamidad at emergency gaya na lamang ng kinakaharap na pandemya, mahalagang umanong may malakas at maaasahang internet service ang ating mga estudyante at mga guro.
“Sa ganitong paraan lamang masisiguro na magtutuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral at pagkatuto,” sabi ng senador.
“Alam nating matagal pa babalik ang nakagawiang face-to-face o physical classes kaya sa online classes nakadepende ang ating mga estudyante para hindi titigil ang paglinang sa kanilang kaalaman,” sambit pa nito.
“Sa mga susunod na buwan lalo’t habang narito pa ang banta ng covid 19 sa ating bansa, malinaw na ang sistema ng pagtuturo ay nakasalalay na mekanismo ng online classes, online activities, projects at assignments,”ani Lapid..
“Ibig sabihin mangangailangan ang mga estudyante ng malakas at mabilis na internet para makasabay sa hinihinging pagbabago sa kanilang pag-aaral, pero paano naman makakasabay ang mahihirap na estudyante kung hindi libre ang internet?
Comments
Post a Comment