Kawawang Buntis na binaklasan ng bubong ng landlady, Tinulungan ni Kuya Will

Isang balita ang pumukaw sa atensyon ni Willie Revillame nang makita niyang pinalayas at tinanggalan ng bubong ang inuupahang bahay ng isang buntis.
Kaya naman bilang sorpresa, sasagutin na ni Kuya Wil ang anim na buwan nilang upa sa bahay.
“Hulog ito ng langit sa inyo. Kung hindi binuksan yung bubong mo, hindi ka makikita at di namin malalaman ang nangyari,” sabi ni kuya Wil.
Hiling naman ni Kuya Wil, huwag na sanang magalit ang mga tenant sa landlady.
“Siyempre intindihin din natin na may pangangailangan din sila,” paliwanag ng TV host.
Comments
Post a Comment