Kauna-unahang missile-capable warship ng Pilipinas, dumating na sa bansa

Masayang ibinalita ng Malakanyang ang pagdating sa bansa ng BRP Jose Rizal.
Ito ang first-ever guided-missile frigate ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang pagdating sa Pilipinas ng most advanced warship, sa panahon ng administrasyon ay pagpapatunay sa commitment ni Pangulong Rodrigo Duterte para ma-modernize ang armed forces.
“This forms part of the national leadership’s initiative to enhance the country’s defense capabilities to secure our seas against current threats,” sabi ni Roque.
Sa ulat, dumaong sa Subic, Zambales ang barko matapos ang limang araw na paglalayag mula sa shipyard ng Ulsan, South Korea.
Binili ng Pilipinas sa South Korea ang barko sa halagang P8 bilyon.
Comments
Post a Comment