Kahit naka "Hard Lockdown" 3 Tolongges Tuloy parin sa Sugal sa Tondo Arestado

Kahit na mahigpit ang implimentasyon ng “hard lockdown” sa Tondo District 1 ay nagagawa pa ring lumabag ng ilang tolongges kung saan 3 ang naaresto dahil sa pagsusugal at nahulihan pa ng mga baril.
Timbog ang mga suspek na sina Reynald Aviertas, 28-anyos, Rogel Ilagan y Carbonel, 24; Jomarie Hayahay, 30-anyos pawang mga nakatira sa Brgy 128, Tondo, Manila.
Sa pagkakaresto sa 3, nakuha sa mga ito ang kalibre 38 revolver, sumpak at mga bala at mga perang ginamit sa pagsusugal.
Patong -patong na kaso ang kahaharapin ng 3 suspke kabilang ang paglabag sa Bayanihan to heal as one act, Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern, Presidential Decree 1602 o Cara y Cruz, at Illegal possesion of Firearm ang mga suspek.
Comments
Post a Comment