Isang Pamilya Tumira sa Tricycle ng Hindi Makabayad sa Upa

Sa tricycle pansamantalang naninirahan ngayon ang pamilya ni Mang Joel dahil hindi na sila makabayad sa kanilang inuupahan.
Upang makabili ng pagkain para sa pamilya ay namumulot siya ng mga karton at saka ibenebenta sa junk shop dahil hindi niya raw kayang mamalimos
Dahil sa sipag at diskarte ay hinangaan siya ng netizens
Dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) ay hindi na kinayang magbayad ng upa ng isang pamilya sa Divisoria kaya napagdesisyunan nilang sa tricycle na lang muna tumira.


Nagtatrabaho ang padre de pamilya na si Mang Joel bilang isang tricycle driver ngunit ngayon ay hindi muna siya pwedeng pumasada. Kuwento niya sa GMA News, hindi niya kayang mamalimos kaya naman gumagawa siya ng paraan upang may maipakain sa kaniyang pamilya.
“Hindi ko kayang mamalimos. Kung anong kaya ko, yun ang gagawin ko para po kahit paano ay may makuhang pangkain araw-araw,” sabi ni Mang Joel
Namumulot siya ng mga karton upang ibenta sa junk shop at ipambili ng kanilang pangunahing pangangailangan.

Comments
Post a Comment