Extension ng ECQ sa NCR pagkatapos ng May 15 irerekomenda ng Metro Manila Council




Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivares, chairman ng MMC, irerekomenda nila ang extension ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) pagkatapos ng May 15.

Ibinatay umano nila ang kanilang rekomendasyon sa payo ng kani-kanilang task force na binubuo ng mga eksperto.

Ayon kay Olivares mas mahirap bantayan ang NCR dahil halos dikit-dikit lamang naman ang mga syudad sa NCR.

"Kapag po nag-GCQ ang isang bayan sa NCR at magkakadikit po ‘yan, at nagpa-implement po kami ng hard lockdown sa isang barangay at hindi rin po all over sa munisipyo, ano po ang magiging epekto no’n? Gano’n din po, ‘di po ba? Kailangan talaga i-implement lang po ng ating LGU ‘yung ECQ sa bawat city sa Metro Manila,” ani Olivares.

"Tuluy-tuloy po ang pagbibigay ng mga food packs ng ating local government units, pero dito po sa lungsod ng Parañaque, kami po ay nag-usap-usap po ng aming vice mayor at ng ating city council na nag-allocate po kami ng budget, kasi alam naman po natin na hindi po suspisyente ‘yung number na inallocate sa bawat LGU all over the country at lalong-lalo na po sa NCR,” ani Olivarez.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo