Coco Martin Supalpal sa Sagot ni Harry Roque

“Alam n’yo po, iyan po ang ganda ng demokrasya sa bansa. Wala po pumipigil sa karapatan niya magsalita para sa nais niyang ihayag,”Ipinagkibit-balikat lamang ng Malakanyang ang mga patutsada ng mga artista ng ABS-CBN lalo na ng ‘Ang Probinsiyano’ lead star na si Coco Martin ukol sa pagbibigay ng pabor sa pagre-resume ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa kumpara sa pagbibigay ng trabaho mula sa kompanya ng telebisyon.
Sa press briefing sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na magkaiba ang tinutumbok na punto ni Coco Martin sa dalawang isyu ukol sa pagpayag ng gobyerno na maipagpatuloy ang pagsasagawa ng uri ng sugal sa bansa na POGO at ang pagpapatigil sa operasyon ng kinabibilangang istasyon.
“Alam n’yo po, iyan po ang ganda ng demokrasya sa bansa. Wala po pumipigil sa karapatan niya magsalita para sa nais niyang ihayag,” ayon kay Sec. Roque.
“Pero hindi po pantay ang comparison niya dahil ang POGO ay under the jurisdiction at PAGCOR ang nag-aapruba samantalang ang sa ABS-CBN ay ang Konrgeso,” ang pahayag pa ni Sec. Roque.
Sa ulat, kitang-kita ang galit ni Coco Martin sa gobyerno dahil sa pagpapasara ng ABS-CBN network.
“Buong Pilipinas nga hindi niyo ma-supplyan, pati kami makikidagdag?” Ano po bang uunahin ngayon? Tanggalin ang kumpanya na tumutulong sa ating kapwa, o ‘yung sugal na pinapasok sa ating bansa?” galit na tanong ng ‘Ang Probinsyano’ star.
Comments
Post a Comment