Balik Eskuwela sa August 24, 2020 APRUB na sa IATF

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang bagong school calendar na isinumite ng deped o department of education sa paglilipat ng pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto dahil sa coronavirus pandemic.
Kasunod nito, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na “ang pagbubukas ng klase sa basic education magsisimula na po sa 24 ng Agosto 2020 at magtatapos ng Abril 30, 2021.”
Ayon kay Roque, maaaring namang piliin ng mga pribadong paaralan na mas maagang magbukas ng klase pero kinakailangan munang gumamit ng ibang paraan sa pagtuturo tulad ng online classes at home schooling.
“Gagamitin natin ang iba’t ibang learning delivery options tulad ng face-to-face, distance learning at home schooling,” ayon kay Sec. Roque.
Samantala, mananatili namang suspendido lahat ng mga extra curricular activities sa mga paaralan na magreresulta sa mga pagtitipon-tipon ng maraming tao.
Comments
Post a Comment