ABS-CBN Nag-off air na

Nag-off air na o tumigil na sa kanilang operasyon ngayong gabi ang ABS-CBN.
Ito ayon sa pamunuan ng kapamilya network ay bilang pagsunod sa cease and desist order na inisyu ng NTC matapos magpaso o mag-expire noong Lunes, May 4 ang legislative franchise ng broadcast network.
Pinatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN sa lahat ng TV at radio broadcast operations nito.
Ito ayon sa cease and desist order na inisyu ng NTC ay dahil sa pagpaso ng legislative franchise ng kapamilya network.
Binigyan ng NTC ng 10 araw ang ABS-CBN para tumugon kung bakit hindi dapat mabawi ang prangkisa nito.
Magtatakda ang NTC ng pagdinig sa kaso sa lalong madaling panahon matapos maalis ang enhanced community quarantine (ECQ).
Comments
Post a Comment