114,828 residente ng Makati, nakatanggap ng P5,000 ayuda sa loob ng isang linggo




Umabot na sa 114,828 ang bilang ng mga residente ng Makati na nakatanggap ng P5,000 ayuda mula sa lungsod, ayon kay Mayor Abby Binay.

Ito ay sa loob lamang ng isang linggo matapos ipatupad ng lungsod ang Makatizen Economic Relief Program o MERP, bilang tugon sa kahirapang dulot ng COVID-19 pandemic sa mamamayan.

Ayon kay Mayor Abby Binay, naging mabilis ang pamamahagi ng naturang ayuda dahil sa paggamit ng digital platforms upang maipaabot ang tulong pinansyal nang walang pisikal na ugnayan sa pagitan ng benepisyaryo at ng pamahalaang lungsod.

Katuwang ng lungsod ang GCash sa pagsasagawa ng contactless delivery ng tulong pinansyal sa kwalipikadong residente. Kabilang dito ang 18 taong gulang pataas at residente ng Makati o ng relocation sites sa pamamahala ng Makati sa San Jose del Monte City, Bulacan at sa Calauan, Laguna. Kailangan ding may Makatizen Card, o Yellow Card, o botante ng Makati.

Mula nang ianunsyo ni Mayor Abby ang programa, mahigit 250,000 applications na ang natanggap ng lungsod, at 142,267 sa mga ito ang naaprubahan na. 

Samantala, nasa 10,000 applications ang na-reject ng GCash dahil sa kulang at maling impormasyon na isinumite ng mga aplikante. Sila ay tatawagan o itetext upang ipaalam ang dahilan ng pagka-reject, at kung papaano maaaprubahan.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo