Posts

Showing posts from May, 2020

Enrollment sa mga pampublikong paaralan simula na sa June 1

Image
Tuloy na raw ang pasukan sa August 24 sa mga public school. Kaya ang DepEd, tuloy rin ang paghahanda sa enrollment na magsisimula na sa Lunes, June 1.

Kawawang Buntis na binaklasan ng bubong ng landlady, Tinulungan ni Kuya Will

Image
Isang balita ang pumukaw sa atensyon ni Willie Revillame nang makita niyang pinalayas at tinanggalan ng bubong ang inuupahang bahay ng isang buntis. Kaya naman bilang sorpresa, sasagutin na ni Kuya Wil ang anim na buwan nilang upa sa bahay. “Hulog ito ng langit sa inyo. Kung hindi binuksan yung bubong mo, hindi ka makikita at di namin malalaman ang nangyari,” sabi ni kuya Wil. Hiling naman ni Kuya Wil, huwag na sanang magalit ang mga tenant sa landlady. “Siyempre intindihin din natin na may pangangailangan din sila,” paliwanag ng TV host.

LIBRENG INTERNET Isunusulong ni Senador Lito Lapid para sa mga estudyante at guro

Image
Isinusulong ni Senador Lito Lapid ng isang resolusyon para malaman  kung maaaring iutos sa mga telco companies na magbigay ng libreng internet access sa online learning portals at educational websites habang mga Covid-19 pandemic. Sa Senate Resolution No. 416, sinabi ni Lapid na magbebenepisyo ang mga estudyante at mga guro sa panahon ng kalamidad at emergency kung mabibigyan sila ng free internet service. Ayon sa senador, sa mga panahon ng kalamidad at emergency gaya na lamang ng kinakaharap na pandemya, mahalagang umanong may malakas at maaasahang internet service ang ating mga estudyante at mga guro. “Sa ganitong paraan lamang masisiguro na magtutuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral at pagkatuto,” sabi ng senador. “Alam nating matagal pa babalik ang nakagawiang face-to-face o physical classes kaya sa online classes nakadepende ang ating mga estudyante para hindi titigil ang paglinang sa kanilang kaalaman,” sambit pa nito. “Sa mga susunod na buwan lalo’t habang narito pa

Mananalo ako kahit walang endorso ni Pangulong Duterte -Vico Sotto

Image
Sa interview sa ‘Quarantined with Howie Severino’ ng GMA News Online, tinanong si  Pasig City Mayor na si Vico Sotto kung sa tingin ba nito ay mananalo siya kung wala ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Matatandaan na isa sa mga sinuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mayor Vico sa kanyang kampanya. “Kung mananalo ako kung wala siya, at kung wala ‘yung endorsement, probably yes,” giit ni Sotto. “Kasi naka-set up na ‘yung ano namin nun eh, kumbaga we were good to go.” Subalit, nilinaw ni Mayor Vico na malaking tulong na sinuportahan siya ni Duterte sa kanyang kampanya. Nang maitanong naman kung may utang na loob siya kay Duterte, “Wala. Kasi wala naman usapan ‘yun eh. There was no condition to that. Pumunta kami sa Malacañang, of course kung isang government official ka, pinatawag ka ng presidente, pupunta ka talaga.”

Good Karma | Pulis na nagbigay ng $100 sa rider na sinita, Nakatanggap ng P100K na Gantimpala

Image
Good Samaritan, nakatanggap ng P100,000 mula sa anonymous donor. Sabi nga nila, kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa, babalik sa'yo. Napatunayan 'yan ng good samaritan na pulis na nagbigay ng $100 sa isang rider. Siya naman ang nabiyayaan ngayon matapos mabigyan ng pera ng isang anonymous donor.

Mga paglabag ng ABS-CBN sa broadcast franchise, Naungkat sa pagdinig sa kamara

Image
Mga paglabag ng ABS- CBN sa broadcast franchise, naungkat sa pagdinig sa kamara. Isa-isang naungkat nag mga violation ng ABS-CBN sa prangkisa nito sa naganap na joint hearing sa kamara. Magmula sa labor issues, citizenship ng may-ari ng kumpanya, at mga mal practices ng kumpanya. Personal din dumalo ang mga executives ng higanteng network.

Isang Sanggol Patay Matapos Hindi Tanggapin sa Loob ng Ospital

Image
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang sanggol matapos mamatay ng dilat ang mata. Tinakbo ito sa ospital ngunit hindi inasikaso ni pinapasok man lang sa loob dahil sa takot na baka may sakit itong COVID-19. Ayon sa nag post na si Lyndife Arciro na tiyahin ng ina ng bata, nag kombulsiyon ang sanggol  kaya ito itinakbo ng ospital. Nakarating sila sa harapan ng emergency room ng Ospital ng Paranaque, ngunit hindi sila pinapasok sa loob. Hindi rin umano sila inasikaso ng kahit sinong staff o doktor sa nasabing ospital.

Biglang Yaman si Chairwoman? Nagpagawa ng Bahay at Nakabili ng 2 Kotse?

Image
Trending sa Facebook ang post ng netizen na si Rosalinda Dela Cruz. Ayon sa post ni Rosalinda, nagtataka daw ito sa kanilang barangay chairwoman ng Sitio Masikap Barangay San Jose Antipolo City na si Norma Camacho  na bakit sa kabila ng pandemic na kinakaharap ng buong mundo ay tila yata biglang yaman naman si Chairwoman. Sa kwento niya, nakabili daw ng dalawang kotse si Camacho, isang white at isang blue, nagpapagawa pa daw umano ng bahay itong si camacho. Nagtataka itong si Rosalinda bakit ganun daw ba kalaki ang sahod ng chairwoman at sa pandemic.

Mga Estudyante Ligtas sa Pagbubukas ng Klase sa August 24 —Sec Duque

Image
Ayon kay Duque, naniniwala ang ahensya ng DOH na ligtas ang pagbubukas ng klase sa Agosto, basta masusunod lamang ang minimum health standards. Paniniwala ito ni Health Secretary Francisco Duque III bagamat pinag-aaralan pa rin nila ang rekomendasyong balik eskuwela sa nasabing buwan. “Sa ngayon sa tingin namin ay ligtas kung bubuksan ang klase by August 24” Ang minimum health standards na tinutukoy ng DOH ay ang physical distancing, paghuhugas ng madalas ng mga kamay, disinfection ng mga silid aralan, at pagkakaruon lagi ng alcohol at sanitizer. Makakatulong din aniya ang health screening sa mga papasuking estudyante at pagbibigay ng advisories sa mga magulang kung paano aalalayan ang mga batang makakaramdam ng sakit. “We hope the vaccines will be available the soonest possible time. But habang wala pa, siguraduhin lang natin ang minimum health standards are met to mitigate the risks to our school children,” Inihayag ni Education Secretary Leonor Briones ang pagbubukas

Walang Pasok, Hanggat Walang Bakuna

Image
Tuluyan ng kinansela ni Pangulong Duterte ang pagbubukas ng klase sa Agosto hanggang walang bakuna na maimbento laban sa Covid19. Mananatiling suspendido ang klase sa bansa hangga’t wala pang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, matapos na ianunsyo ng Department of Education (DepEd) na muli nang magbubukas ang klase sa Agosto. Ayon sa Pangulo, hindi nito isasaalang-alang ang kaligtasan ng mga estudyante habang walang bakuna para sa COVID-19. Samantala, umaasa naman ang Pangulo na magkakaroon na ng bakuna bago pa man matapos ang taon.

Idol Raffy Tulfo, Nagsalita na sa mga Kaso ni Francis Leo Marcos

Image
Dahil sa paulit-ulit na panawagan ng mga netizen kay Raffy Tulfo, nagbigay na ito ng kanyang komento ukol sa kontrobersyal na pagkakahuli kay Francis Leo Marcos. Ayon kay idol Raffy, wala umanong masamang tumulong lalo ngayon panahon ng krisis. Ngunit dapat umanong malaman ng mga tinutulungan kung saan galing ang ibinibigay sa kanila. Nasa kanila na umano ang desisyon kung tatanggapin nila ang tulong matapos malaman ang pinagmulan. Sa huli, pinayuhan ni idol na lumutang ang mga may alam sa kaso ni FLM. Ito ay upang malinawan na at matapos na ang kasong ito. Maari umanong lumapit sa kanyang programa o sa NBI ang nais magbigay ng impormasyon.

Mula P100-M naging P200k! Francis Leo Marcos inaming naubusan na siya ng pera dahil sa pagtulong sa mga tao

Image
Tatlong linggo bago siya mailagay sa ilalim ng kustodiya ng National Bureau of Investigation, sinabi ni Norman Mangusin, na mas kilala bilang Francis Leo Marcos na nagastos na niya ang 99% ng kanyang pera na naka-deposito mula sa kanyang mga bank accounts dahil sa pagtulong sa mga tao. Sa kanyang vlog, sinabi ni Marcos na bago niya simulan ang 'Mayaman Challenge' ay mayroon siyang 100-M pesos sa kanyang bank account, ngunit ngayon sinabi niya na 200,000 pesos lamang ang natitira. Ayon sa kanya, nakipag-usap na siya sa kanyang mga kasosyo upang matulungan siyang pondohan ang kanyang mga aktibidad na philanthropic dahil hindi niya kayang huminde sa mga taong humihingi ng mga donasyon. “Kinausap ko na ‘yung mga partners ko kasi malaki na po yung ating gastos at talaga namang ubos na po ang aking savings, ang natira nalang po out of 100+ million ay 200,000 (pesos) nalang, “ sabi ni Marcos “Pinaghirapan ko ng mahabang panahon, pinagpaguran, pinagtuluan ng pawis at luha…

Kauna-unahang missile-capable warship ng Pilipinas, dumating na sa bansa

Image
Masayang ibinalita ng Malakanyang ang pagdating sa bansa ng BRP Jose Rizal. Ito ang first-ever guided-missile frigate ng Pilipinas. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang pagdating sa Pilipinas ng most advanced warship, sa panahon ng administrasyon ay pagpapatunay sa commitment ni Pangulong Rodrigo Duterte para ma-modernize ang armed forces. “This forms part of the national leadership’s initiative to enhance the country’s defense capabilities to secure our seas against current threats,” sabi ni Roque. Sa ulat, dumaong sa Subic, Zambales ang barko matapos ang limang araw na paglalayag mula sa shipyard ng Ulsan, South Korea. Binili ng Pilipinas sa South Korea ang barko sa halagang P8 bilyon.

Sen. Win Gatchalian Binanatan si Francis Leo Marcos “Dapat ikulong na yan at huwag pakawalan!”

Image
Dapat na mabulok sa kulungan ang internet sensation na si Francis Leo Marcos yan ay ayon kay Senador Sherwin Gatchalian. “Walang hiya talaga yan. Manloloko at sinungaling. Dapat ikulong na yan at huwag pakawalan. Maraming na loko yan,” tweet ni Gatchalian Walang hiya talaga yan. Manloloko at sinungaling. Dapat ikulong na yan at huwag pakawalan. Maraming na loko yan. — Sherwin Gatchalian (@stgatchalian) May 19, 2020 Inaresto ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division si Leo Marcos sa Quezon City matapos na isyuhan ng warrant of arrest ng Baguio City court dahil sa paglabag sa optometry law. Ayon kay NBI CCD chief Victor Lorenzo, inaaral na rin ng kanilang ahensya ang kaso ng human trafficking, estafa at violence against women case kontra kay Marcos. Si Marcos ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa kabila ng mga sakuna tulad ng COVID-19 pandemic.

Inupahang bahay ng buntis na hindi makabayad ng upa, tinanggalan ng bubong ng landlady

Image
Isang concerned citizen ang aktuwal na nabidyuhan ang pag babaklas ng bubong at pinto ng bahay na inuupahan ng isang buntis sa Brgy Ilano Del MUndo Caloocan kahapon. Sa ibinahaging video ni Czairra Alliyah Cheng, kaniyang aktwal na na-bidyuhan ang walang awang pag babaklas ng bubong sa inuupahang bahay ng isang buntis dahil hindi ito nakakabayad ng renta sa bahay. Ayon pa kay Cheng, nasa Bulacan ang asawa ng biktima at hindi ito makauwi dahil sa ipinatutupad na lockdown sa buong Metro Manila. Sa isang pang nakuhanan ng video, makikita na tinutulungan na lamang ng mga kapitbahay ang buntis na isalba at kargahin ang mga gamit nito para hindi mabasa ng sobrang lakas na ulan. Kapansin pansin din ang isang batang lalake na nakatayo sa dulong bahagi ng kanilang bahay na tila hindi maintindihan ang nangyari.

Landlady na Nagpabaklas ng bubong at pintuan ng tenant na Buntis nagpaliwanag na

Image
Isang concerned citizen ang aktuwal na nabidyuhan ang pag babaklas ng bubong at pinto ng bahay na inuupahan ng isang buntis sa Brgy Ilano Del MUndo Caloocan kahapon. Sa ibinahaging video ni Czairra Alliyah Cheng, kaniyang aktwal na na-bidyuhan ang walang awang pag babaklas ng bubong sa inuupahang bahay ng isang buntis dahil hindi ito nakakabayad ng renta sa bahay. Ayon pa kay Cheng, nasa Bulacan ang asawa ng biktima at hindi ito makauwi dahil sa ipinatutupad na lockdown sa buong Metro Manila. Sa isang pang nakuhanan ng video, makikita na tinutulungan na lamang ng mga kapitbahay ang buntis na isalba at kargahin ang mga gamit nito para hindi mabasa ng sobrang lakas na ulan. Kapansin pansin din ang isang batang lalake na nakatayo sa dulong bahagi ng kanilang bahay na tila hindi maintindihan ang nangyari.

Mga Asymptomatic `Di Makakahawa ng COVID Ayon kay Duque

Image
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. Wala pang ebidensiya, batay sa pahayag ng World Health Organization (WHO), na nakakahawa ang mga asymptomatic sa COVID-19. Tinanong ni Senador Nancy Binay si Duque kung paano mahahanap ng gobyerno ang mga ‘silent spreader’ ng naturang sakit. “May tinatawag tayo na positive pero walang exposure. Hindi sila kasama sa apat na criteria. So, paano natin mahahanap itong mga spreader na tinatawag nating asymptomatic?” tanong ni Senador Binay kay Secretary Duque. Sagot ng kalihim, wala pang ulat o ebidensya ang WHO na magpapakita na nakakahawa ang mga pasyenteng asymptomatic. “Ang WHO, hanggang ngayon po, wala po silang ulat o ebidensyang nakakalap na magpapakita na nakakahawa ang mga asymptomatic,” pahayag ni Duque. “This does not exclude the possibility that it may occur. Asymptomatic cases have been reported as part of contact tracing efforts in some countries,” ayon sa April 2 report ng WHO dagdag pa ni Duque.

Mystica Sinampahan ng Patong-patong na Kaso sa Pagmumura sa Pangulo

Image
Sinampahan ng kaso ni Arnell Ignacio ang tinaguriang Split Queen na si Mystica. Bunga ito ng maaanghang niyang salita laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Tatlong kaso ang isinampal ni Arnell kay Mystica, ang inciting to sedition, cyberlibel at violation ng Bayanihan To Heal As One Act na ipinatutupad ngayong panahon ng health crisis sa bansa. Ang reklamo ni Arnell ay ibinase nito sa video ni Mystica kung saan minura nito ang administrasyon ni Pangulong Duterte at hinikayat pa ang mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo na magtipon-tipon upang kalabanin ang gobyerno. Narito ang post ni Arnell sa kanyang Facebook page tungkol sa kanyang pagdedemanda: “Kapag seryoso ang issue e file na ako ng case. Hindi talakan lang sa FB. “Hindi mo puede mura-murahin si presidente nang ganun-ganun lang at aatungal ka pagkatapos. “Mas malala, nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang. “Yung pagmumura mo naman e parang PERSONAL ang kasalanan sa iyo,

Tunay na Motibo ni Francis Leo Marcos Binuking ni Xian Gaza

Image
Viral ngayon ang video ni Xian Gaza ng pagdedetalye sa tunay umanong kulay ni Francis Leo Marcos o FLM. Props lamang umano si FLM ng isang mas malaking tao para sa malaking scamming business. Ang tunay na motibo umano ng sindikato ay pasikatin si FLM upang makapagtayo sila ng isang kunyaring charity institution upang makahingi ng donasyon sa mga OFW at iba pang mayayamang tao. Balak lang umano nilang perahan ang mga tao sa pamamagitan ng donasyon.

Buntis na Hindi Makabayad ng Upa, Binaklasan ang Pinto at Bubong ng Landlord

Image
Isang concerned citizen ang aktuwal na nabidyuhan ang pag babaklas ng bubong at pinto ng bahay na inuupahan ng isang buntis sa Brgy Ilano Del MUndo Caloocan kahapon. Sa ibinahaging video ni Czairra Alliyah Cheng, kaniyang aktwal na na-bidyuhan ang walang awang pag babaklas ng bubong sa inuupahang bahay ng isang buntis dahil hindi ito nakakabayad ng renta sa bahay. Ayon pa kay Cheng, nasa Bulacan ang asawa ng biktima at hindi ito makauwi dahil sa ipinatutupad na lockdown sa buong Metro Manila. Sa isang pang nakuhanan ng video, makikita na tinutulungan na lamang ng mga kapitbahay ang buntis na isalba at kargahin ang mga gamit nito para hindi mabasa ng sobrang lakas na ulan. Kapansin pansin din ang isang batang lalake na nakatayo sa dulong bahagi ng kanilang bahay na tila hindi maintindihan ang nangyari.

Mga Bahay, Sasakyan, at Opisina Hindi kay Francis Leo Marcos ayon sa NBI

Image
Mga bahay, sasakyan, at opisina na ipinakita ni Norman Mangusin alias "Francis Leo Marcos" sa Facebook at Youtube, hindi raw sa kanya ayon sa NBI. Sasampahan din siya ng kasong paglabag sa passport law dahil sa pagkakaroon ng dalawang magkaibang passport. Sasabit din siya sa falsification of public document dahil malamang peke ang birth certificate na naisumite niya para sa Francis Leo Marcos na passport, ayon pa rin sa nbi. Titingnan na rin nila ang kaugnayan niya sa mga warrants of arrest na nakapangalan sa isang lorenzo mangusin na sabit sa maraming estafa cases na ayon sa mga complainants ay siya rin si Francis Leo Marcos.

114,828 residente ng Makati, nakatanggap ng P5,000 ayuda sa loob ng isang linggo

Image
Umabot na sa 114,828 ang bilang ng mga residente ng Makati na nakatanggap ng P5,000 ayuda mula sa lungsod, ayon kay Mayor Abby Binay. Ito ay sa loob lamang ng isang linggo matapos ipatupad ng lungsod ang Makatizen Economic Relief Program o MERP, bilang tugon sa kahirapang dulot ng COVID-19 pandemic sa mamamayan. Ayon kay Mayor Abby Binay, naging mabilis ang pamamahagi ng naturang ayuda dahil sa paggamit ng digital platforms upang maipaabot ang tulong pinansyal nang walang pisikal na ugnayan sa pagitan ng benepisyaryo at ng pamahalaang lungsod. Katuwang ng lungsod ang GCash sa pagsasagawa ng contactless delivery ng tulong pinansyal sa kwalipikadong residente. Kabilang dito ang 18 taong gulang pataas at residente ng Makati o ng relocation sites sa pamamahala ng Makati sa San Jose del Monte City, Bulacan at sa Calauan, Laguna. Kailangan ding may Makatizen Card, o Yellow Card, o botante ng Makati. Mula nang ianunsyo ni Mayor Abby ang programa, mahigit 250,000 applications na ang

NBI Pamemeke ng Passport posibleng idagdag sa kaso kay Francis leo Marcos

Image
Pamemeke raw ng passport posibleng dagdag kaso na naman kay Norman Mangusin ayon sa NBI. Inamin daw sa NBI ni Norman Mangusin aka Francis leo Marcos na may passport din siya sa ilalim ng alyas na “Francis leo Marcos” Inaasahan na rin ng NBI na darating sa kanilang tanggapan sa huwebes ang mga nabiktima umano ni Mangusin sa estafa matapos mabalitaan ang kanyang pagkaka-aresto. Video starts at 14.00

Francis Leo Marcos Inamin na siya si Norman Mangusin

Image
Francis Leo Marcos, walang maipakitang mga dokumento na mayroon siyang mga negosyo. Hindi nakapangalan sa kanya ang inaangkin niyang bahay sa Green Meadows sa QC gayundin ang isa pang bahay. Hindi rin sa kanya ang inaangkin niyang opisina gayundin ang magagarang sasakyan na ipinagmalaki niya sa social media. Maaaring siya rin si Lorenzo Antonio Mangusin, pero kasalukuyan pa itong biniberipika sa korte. Inamin niya na siya si Norman Mangusin. Isa pang complainant na natangayan umano ng P7 million ni FLM nakatakda ring magsampa ng kaso ng syndicated estafa na walang piyansa. Hinihintay pa ang pormal na pagsasampa ng kaso ng iba pang complainant; paglaya ni FLM wala pang katiyakan. Video starts at 14.00

Actual Video ng Pag-Aresto kay Francis Leo Marcos ng NBI

Image
Inaresto ngayong Martes ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation si Francis Leo Marcos na nasa likod ng nag-viral na Mayaman challenge sa social media. Si Marcos ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong kinakaharap nito sa Baguio City dahil sa paglabag umano nito sa optometry law. Bukod sa reklamo ng samahan, mayroon pang ibang nakabinbin na kaso si Marcos, ani Lorenzo. Unang nakilala online si Marcos sa "Mayamang Challenge" kung saan hinikayat niya ang mga kapitbahay sa isang subdivision ng mayayaman na magbigay ng tulong sa mahihirap sa gitna ng COVID-19 pandemic. Marcos explained that optometrists filed a case against him because of the free glasses he distributed in his optical missions. pic.twitter.com/ChPuzzw8Yy — Nikolo Baua (@Nikobaua) May 19, 2020 >

Pag-apruba sa Provisional franchise ng ABS-CBN Binawi ng Kongreso

Image
Binawi ng mga mambabatas sa Kamara ang pagpasa sa ikalawang pagbasa sa panukalang magbibigay sa ABS-CBN ng provisional franchise hanggang Oktubre 2020. Ayon kay Zamboanga Sibugay 1st District Rep. Sharky Palma, ito’y dahil may ilang posibleng amyendahan sa nasabing bill kaya’t binawi ang pag-apruba nito. “Due to request of our members who wish to make some interpellations and possible amendments on the bill—let me make this of record that at any time the House can approve this bill, House Bill No. 6732 on third reading. But because of the insistence of our colleagues to interpellate further on the matter, I move that we reconsider approval on second reading of House Bill No. 6732,” saad ni Palma. “Let me make this of record, Mr. Speaker, that at any time, the House can approve this bill, House Bill 6732 on 3rd reading, but because of the insistence of our colleagues to interpellate further on the matter, I move that we reconsider our approval on 2nd reading of HB 6732,” wika

Magbabanta kay Pangulong Duterte, Pamilya aarestuhin

Image
Nagbabala sa publiko ang Presidential Security Group (PSG) na huwag pamarisan ang dalawang lalaking inaresto matapos mag-alok ng pabuya sa social media sa sinumang makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay PSG Commander Col. Jesus Durante, aarestuhin ang lahat nang magbabanta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte maging sa buong pamilya nito. “As we fight this pandemic, may we choose to utilize social media platforms to make useful contributions and not violate any law in expressing personal views and opinions,” sabi ni PSG chief Jesus Durante sa statement. Ayon sa PSG, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agency para i-monitor at hulihin ang sinumang gagawa ng nasabing paglabag sa batas. Naglabas ng pahayag ang PSG matapos maaresto ang isang guro at isang construction worker, na kapwa nag-alok ng reward sa sinumang papatay sa Pangulo.

Prank ni idol Raffy Tulfo kay Ivana Alawi, Trending sa Youtube

Image
#1 Trending ngayon sa Youtube ang pangpa-prank ni idol Raffy Tulfo kay Ivana Alawi. Ipinalabas ito nitong May 12 sa Youtube channel na Raffy Tulfo in Action. Napaiyak ni Tulfo si Ivana Alawi dahil sa parang makatotohanan na prank ng broadcaster. Kunyari ay nagreklamo kay Tulfo ang isang kasabwat na si Loida Rivera, na nabigyan ng bulok na relief goods ni Ivana.  

Trillanes kay Duterte: "Pag di mo alam ang gagawin mo, mambola ka na lang."

Image
Marami ang nagabang ng anunsyo ni Pangulong Duterte patungkol sa nalalapit na pagtatapos ng ECQ sa akinse ng Mayo. Ngunit wala ito sa naging agenda ng pinalabas na meeting ni Duterte sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease nang iere nitong May 13 ng umaga. Sa nasabing meeting, naging topic ng Pangulo ang tungkol sa rebeldeng grupo na NPA, gayundin ang pabuyang P2 milyon para sa makakapatay o may impormasyon sa mga leader ng NPA. Sa tweet ni dating Senador Antonio Trillanes IV, sinabi nito na tila nambola lang si Duterte sa kanyang address sa taumbayan. Pag di mo alam ang gagawin mo, mambola ka na lang. #TheBestPresidentInTheUniverse — Sonny Trillanes IV (@TrillanesSonny) May 12, 2020

Teacher na nag-offer ng P50M reward sa papatay kay Duterte, arestado ng NBI

Image
Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na nag-post sa kaniyang Twitter na magbibigay siya ng pabuya sa sinumang makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte. Gamit ang Twitter handler na @RonPrince_ ay nag-post ang 25 anyos na guro na si Ronnel Mas ng “I will give P50M reward kung sino makakapatay kay Duterte.” Nagsisisi si Ronnel Mas sa kanyang ginawa. May mga video rin na lumabas matapos itong maaresto kung saan makikita siyang umiiyak at humihingi ng tawad. “Nagso-sorry po ako kay President Rodrigo Duterte dahil nagawa ko yun… hindi ko po intensyon yun.” Inamin din ng suspek na gusto lamang niya na mayroong pumansin sa kanya sa Twitter kaya nagawa niya ang “wrong move” na post. Umani umano ng negatibong komento ang post na ito kaya kanyang binura subalit marami na ang nakapag-screen grab nito. Agad namang natunton ng NBI ang kinaroroonan ni Mas at ito ay inaresto. Nakaabot sa kaalaman ng National Bureau of Investigation ang po

Jobert Sucaldito, Inilabas Na Ang Nakatagong ‘Baho’ Ng Kapamilya Network

Image
‘Mas Grabe Ang Politika Sa Loob Ng ABS-CBN’ Hindi na nakapagtimpi ang showbiz reporter na si Jobert Sucaldito sa ‘paawa effects’ umano ng ABS-CBN. Sa kanyang post, idinetalye niya ang kabulastugan itinatago ng Kapamilya network. Sinabi ni Sucaldito na bagama’t hindi siya pabor sa shutdown, hindi naman dapat sabihin ng ABS-CBN na wala silang bahid ng kasalanan kaya sila napasara. “Ako I’m no for shutdown. Ayoko, kasi maraming masasaktan, marami akong kaibigan sa loob na mabait. Maraming inosenteng madadamay. Pero bakit pinabayaan ninyo? ‘Yung pinapalabas niyong walang kasalanan ang ABS-CBN, imposible ‘yun. It’s very stupid. Kung wala kang kasalanan, gagalawin ka?” giit ni Jobert, na dating tinanggal nang magbigay ng opinyon sa hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre. Panawagan niya sa network, huwag nilang ipagdiinan na pinupulitika sila ng gobyerno. Tigilan na rin ang pag drama ng mga ito na gagamitin pa ang mga pamilya ng 11,000 nilang mga empleyado para sa pansariling ka

Coco Martin Supalpal sa Sagot ni Harry Roque

Image
“Alam n’yo po, iyan po ang ganda ng demokrasya sa bansa. Wala po pumipigil sa karapatan niya magsalita para sa nais niyang ihayag,” Ipinagkibit-balikat lamang ng Malakanyang ang mga patutsada ng mga artista ng ABS-CBN lalo na ng ‘Ang Probinsiyano’ lead star na si Coco Martin ukol sa pagbibigay ng pabor sa pagre-resume ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa kumpara sa pagbibigay ng trabaho mula sa kompanya ng telebisyon. Sa press briefing sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na magkaiba ang tinutumbok na punto ni Coco Martin sa dalawang isyu ukol sa pagpayag ng gobyerno na maipagpatuloy ang pagsasagawa ng uri ng sugal sa bansa na POGO at ang pagpapatigil sa operasyon ng kinabibilangang istasyon. “Alam n’yo po, iyan po ang ganda ng demokrasya sa bansa. Wala po pumipigil sa karapatan niya magsalita para sa nais niyang ihayag,” ayon kay Sec. Roque. “Pero hindi po pantay ang comparison niya dahil ang POGO ay under the jurisdiction at PAGC

Balik Eskuwela sa August 24, 2020 APRUB na sa IATF

Image
Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang bagong school calendar na isinumite ng deped o department of education sa paglilipat ng pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto dahil sa coronavirus pandemic. Kasunod nito, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na “ang pagbubukas ng klase sa basic education magsisimula na po sa 24 ng Agosto 2020 at magtatapos ng Abril 30, 2021.” Ayon kay Roque, maaaring namang piliin ng mga pribadong paaralan na mas maagang magbukas ng klase pero kinakailangan munang gumamit ng ibang paraan sa pagtuturo tulad ng online classes at home schooling. “Gagamitin natin ang iba’t ibang learning delivery options tulad ng face-to-face, distance learning at home schooling,” ayon kay Sec. Roque. Samantala, mananatili namang suspendido lahat ng mga extra curricular activities sa mga paaralan na magreresulta sa mga pagtitipon-tipon ng maraming tao.

Lola na nakatanggap ng P5K Ayuda: "Ito ang pinakamalaking halaga na nahawakan ko sa buong buhay ko!"

Image
Napatalon sa saya ang isang lola sa General Santos City nang matanggap ang kanyang tulong pinansyal mula sa DSWD. Siya si Lola Veronica Piliton, 65 anyos, nakatira sa Purok P.I.16, Barangay Heights, General Santos City. Nakatanggap siya ng P5k mula sa DSWD at ito raw ang pinakamalaking pera na nahawakan niya sa buong buhay niya. Nakatira lamang sa tagpi-tagping materyales sina lola at kanyang asawa at kumikita sila ng P100 kada araw sa pangangalakal ng bote, bakal at plastik. Ngayon na mga ECQ at bawal silang lumabas para mangalakal, halos isang beses na lang umano sila kumakain sa isang araw. Kaya nang matanggap ang kanilang ayuda, agad ibinili ng mag-asawa ng bigas at iba pang mga pangangailangan sa bahay ang pera. Ganito sana lahat ng tinutulungan ng gobyerno para naman hindi masayang ang pera ng mga kababayan nating nagbabayad ng tax.

Nasa 22 Milyong Mag-aaral Balik Eskuwela Matapos i-Lift ang Lockdown sa Vietnam

Image
Matapos ang tatlong mahabang buwan, Winakasan na ng Vietnam ang lockdown sa nasabing bansa at ngayo'y nagsisimulang bumalik sa normal ang buhay na mga mamamayan nito. Sa katunayan, binuksan muli ang pinto ng mga paaralan upang salubungin ang kanilang mga mag-aaral Milyun-milyong mga mag-aaral sa Vietnam ang bumalik sa klase noong Lunes matapos iulat ng bansa ang ika-17 straight day na walang domestically transmitted ng coronavirus infections. "Masayang-masaya ako at nasasabik dahil nakakabored na nasa bahay," sabi ng 11-anyos estudyante na si Pham Anh Kiet.

Extension ng ECQ sa NCR pagkatapos ng May 15 irerekomenda ng Metro Manila Council

Image
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivares, chairman ng MMC, irerekomenda nila ang extension ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) pagkatapos ng May 15. Ibinatay umano nila ang kanilang rekomendasyon sa payo ng kani-kanilang task force na binubuo ng mga eksperto. Ayon kay Olivares mas mahirap bantayan ang NCR dahil halos dikit-dikit lamang naman ang mga syudad sa NCR. "Kapag po nag-GCQ ang isang bayan sa NCR at magkakadikit po ‘yan, at nagpa-implement po kami ng hard lockdown sa isang barangay at hindi rin po all over sa munisipyo, ano po ang magiging epekto no’n? Gano’n din po, ‘di po ba? Kailangan talaga i-implement lang po ng ating LGU ‘yung ECQ sa bawat city sa Metro Manila,” ani Olivares. "Tuluy-tuloy po ang pagbibigay ng mga food packs ng ating local government units, pero dito po sa lungsod ng Parañaque, kami po ay nag-usap-usap po ng aming vice mayor at ng ating city council na nag-allocate po kami ng budget, kasi alam n

Charo Santos, Nagpasalamat sa mga Pilipino sa tiwala at pagmamahal sa ABS-CBN

Image
Nagpasalamat ang TV host-actress at executive ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio sa tiwala, suporta, at pagmamalasakit na ipinakita ng publiko sa Kapamilya network na nag sign off sa paghimpapawid nitong Martes ng gabi, Mayo 5. Ipinost ni Santos-Concio sa kaniyang Instagram account ang isang video na nagpapakita ng pagtulong at pagseserbisyo ng istasyon para sa sambayanang Pilipino. “Maraming, maraming salamat sa inyong pagmamahal at suporta. Hanggang sa muli,” View this post on Instagram Maraming, maraming salamat sa inyong pagmamahal at suporta. Hanggang sa muli. ❤️💚💙 #InTheServiceOfTheFilipino A post shared by Charo Santos (@charosantos) on May 5, 2020 at 8:42pm PDT

How to Avail LANDBANK ‘Study now, Pay later’ Program for private schools

Image
The Land Bank of the Philippines (LANDBANK) is launching a new lending program to boost the capacity of private academic institutions to implement a ‘study now, pay later’ scheme for its students. Under the LANDBANK ACADEME (ACcess to Academic Development to Empower the Masses towards Endless Opportunities) Lending Program, LANDBANK has allotted a total program fund of P3-billion in credit support for private high schools, private technical and vocational education training institutions, as well as Higher Education Institutions (HEIs) such as colleges and universities, to provide continuing education to their students. The program offers ‘3-3-3’ features with a P3-billion-program fund in credit support, a very low fixed interest rate of only 3% per annum, and payable based on the maturity of the sub-promissory notes but not to exceed three (3) years. It forms part of LANDBANK’s social investment package to encourage students to pursue and finish their education. The LANDBANK A

Yayo Aguila Trending Dahil sa Kontroberisyal Scene sa Isang Cinemalaya Film

Image
Trending ngayon si Yayo Aguila matapos kumalat ang isang video clip ng Cinemalaya 2019 film na Fuccbois nitong Abril 29 sa social media. Dahil sa torrid kissing scene nila ni Royce Cabrera, 24-anyos, sa pelikula, inilarawan ang actress, 52-anyos, bilang "savage" at "legendary." Nagkalat naman ang mga memes kung saan isinalin sa kanya ni Angel Aquino, 47, ang korona. Kontroberisyal din ang kissing scenes noon ni Angel with Tony Labrusca, 24, sa digital movie na Glorious (2018).

Edcel Lagman Isinisi kay Speaker Cayetano ang Pagsasara ng ABS-CBN

Image
Dapat umanong kay House Speaker Alan Peter Cayetano dapat ibato ang sisi kung bakit biglaang nagshutdown ang operasyon ng ABS-CBN, ito ay ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman. Ayon kay Lagman, hindi kasi naaksyunan ng Kamara ang sinasabing 15 panukalang batas na tumatalakay sa renewal ng franchise ng ABS-CBN hangg kung ang sa tuluyan na itong mag expire nitong Mayo 4, 2020. Hinala ni Lagman, nag dalawang isip ang kamara na ipasa ang panukala dahil sa personal na galit ng Pangulo sa Kumpanya. Sinabi pa ni Lagman, na tutol ang Presidente sa franchise renewal dahil sa hindi pag ere ng nasabing estasyon sa kanyang nakaraang mga campaign ads noong 2016 Presidential Elections. Samantala, mariin namang tinanggi ni Cayetano na hindi pinersonal ng Pangulo at hindi ginamitan ng kanay na bakal ang nasabing pag sara ng ABS-CBN kagabi.

Albay Rep Salceda: Kaso ng COVID-19, Posibleng lumala sa Pagsasara ng ABS-CBN

Image
Posible umanong magdulot ng mas maraming kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ang naging hakbang ng National Telecommunications Commission laban sa ABS-CBN, ayon kay Albay Rep. Joey Salceda. “It will increase infections—2,600— basically they lose their primary source of entertainment” Ayon sa Kongresista, milyong Pilipino ang mawawalan ng pagkukuhanan ng impormasyon dahil sa pagpapasara ng naturang network. Iginiit din nito na gumugugol ng nasa 4.9 oras ang mga Pinoy kada linggo sa panonood ng telebisyon. “Minodel namin ito based on the time spent on TV, basically how many people get the information on TV entertainment, based on the market share of ABS-CBN…15.1 million Filipinos will lose their primary source of information,”  “The House wants to approve the ABS-CBN franchise dahil nagbabayad naman ng buwis, wala namang nilabag na batas…yung problema po talaga ng NTC nakakasira po talaga ng national strategy,”

Sen. Tito Sotto “ABS franchise, bring it to the Senate, we will approve it!”

Image
Franchise bill ng ABS-CBN lusot agad kapag dinala sa Senado. Ito ang sinabi Senate President Vicente Sotto III ilang minuto matapos mamaalam sa ere ang media giant batay sa kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC). ABS Franchise, bring it to the Senate, we will approve it! — Tito Sotto (@sotto_tito) May 5, 2020 Ngunit bago maiakyat sa Senado, kailangan munang maaprubahan ang franchise bill ng ABS-CBN sa Kamara.

Mga Netizen Naiyak sa Farewell Message ni Kabayan Noli de Castro

Image
Naiyak ang maraming netizen sa huling mensahe ni Noli De Castro bago ang nakatakdang pagtigil sa pag-ere ng ABS-CBN nitong Martes ng gabi. Sa pagtatapos ng TV Patrol sinabi ni De Castro na hindi sila mananahimik sa pag-atake sa demokrasya at malayang pamamahayag. “Karangalan po namin na maglingkod sa inyo kabayan. Hindi man na-renew ang aming prangkisa at pinatitigil ang ating broadcast nangangako kami sa inyo hindi kami mananahimik sa pag-atakeng ito sa ating demokrasya at malayang pamamahayag. “Sa harap po ng hamon sa aming kumpanya, sa aming mga hanapbuhay hinding-hindi namin kayo tatalikuran kabayan. Mga kapamilya kami, tayo ang ABS-CBN. In the service of the Filipino saan man sila naroroon,” a touching farewell message by Kabayan Noli de Castro 😢 #TayoAngABSCBN #NoToABSCBNShutDown pic.twitter.com/WSWuNutuma — ᴮ ᴿ ᴵ ᴬ ᴺ ☄️ (@bayangyang14) May 5, 2020

Mayor Vico Sotto nagalit sa isang PBA player

Image
Hindi napigilan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kaniyang inis at galit sa isang dating PBA player dahil sa pagmumura umano sa mga tauhan niyang frontliner na namamahagi ng tulong pinansiyal sa mga nangangailangan. Sa Facebook live session nitong Martes, sinabi ni Sotto na posibleng naliitan ang dating manlalaro na nakatira sa Pasig Green Park Village, sa inihahatid na ayuda ng lungsod kaya nagalit. "Kung naliliitan siya sa pinamimigay ng city ibig sabihin hindi niya kailangan 'yun," Sotto said. "Alam ko naman kung magkano sweldo niya dati. Hindi naman siya mahirap." Ayon kay Mayor Sotto dati raw itong kasamahan sa team ng kaniyang bayaw na si Marc Pringis. ‘Yung sense of entitlement ng ibang tao, grabe talaga. Ito mga frontliners natin na nagpapagod, over beyond the call of duty tapos mumura-murahin ng taong ‘yun?" "Sobra eh," the mayor added. "'Yung mga team leader natin pagod na pagod 'yan. Nagtratrabaho sila sa

Good News: Unang Gamot Laban sa Covid Aprubado ng US FDA

Image
Remdesivir: Gusto Bilhin ng Maraming Bansa By Doc Willie Ong May malaking pagsusuri ng 1063 Covid patients sa 22 bansa, na Randomized at Placebo Controlled Trial. Napatunayan sa preliminary results na bibilis ang recovery time ng pasyente. Magiging Standard of Care itong gamot for Severe Covid Cases with Pneumonia. Dagdag pa ito sa ibang supportive treatment. Inaabangan pa natin ang resulta ng ibang mga gamot sa Clinical Trial (WHO Solidarity Trial) at vaccine para sa Covid. Alamin ang Detalye.

ABS-CBN Nag-off air na

Image
Nag-off air na o tumigil na sa kanilang operasyon ngayong gabi ang ABS-CBN. Ito ayon sa pamunuan ng kapamilya network ay bilang pagsunod sa cease and desist order na inisyu ng NTC matapos magpaso o mag-expire noong Lunes, May 4 ang legislative franchise ng broadcast network. Pinatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN sa lahat ng TV at radio broadcast operations nito. Ito ayon sa cease and desist order na inisyu ng NTC ay dahil sa pagpaso ng legislative franchise ng kapamilya network. Binigyan ng NTC ng 10 araw ang ABS-CBN para tumugon kung bakit hindi dapat mabawi ang prangkisa nito. Magtatakda ang NTC ng pagdinig sa kaso sa lalong madaling panahon matapos maalis ang enhanced community quarantine (ECQ).

Aktuwal na Pagdakip sa Kagawad na Nambubulsa ng P3,500 kada SAP

Image
Isang barangay kagawad sa Hagonoy, Bulacan ang hinuli ng mga pulis  matapos na ireklamo sa pagbulsa ng P3,500 sa mga benepisyaryo ng social amelioration program o SAP. Inaresto si Danilo Flores sa Barangay San Agustin dahil sa panggagantso sa mga residente ng nasabing barangay ayon kay Hagonoy police chief Col. Roginal Francisco, Nag-trending si Flores sa social media matapos na makuhanan sa sinabing kukunin ang P3,500 ng cash assistance para maibigay ng mayor ng Hagonoy sa mga walang matatanggap sa SAP, ibig sabihin ay P3,000 lang ang natatanggap ng bawat residente. Itinanggi naman ni Hagonoy Mayor Raulito Manlapaz ang sinabi ni Flores at sinabing wala siyang kinalaman sa “raket” ng kagawad.

Komendyanteng si Babajie, Pumanaw sa edad na 35 dahil sa malubhang sakit

Image
Pumanaw na ang comedian na si Babajie, Alfredo Cornejo Jr. sa totoong buhay. Binawian ng buhay si Babajie, o Alfredo Cornejo Jr. sa totoong buhay, matapos ma-confine nang ilang araw sa San Lazaro Hospital sa Maynila dahil sa pneumonia. Siya ay 35 anyos. Naulila ng komedyante ang inang si Minda Corneno at mga kapatid na sina Almin, Alina at Aljohn. Balitang ibuburol ang kanyang labi sa bahay nila sa Malibay, Pasay City at ililibing sa Sgt. Mariano Cemetery sa Pasay. Ang tatay naman ng comedian ay isang taon nang patay. Kinumpirma ito sa FB post ng pinsan niyang si Cid Cornejo. “Bakit? Maaga pa. Bata ka ka pa. Alam mo kuya na mahal na mahal kita. Ikaw ang pinakaclose ko noon pa man ikaw nagturo sa akin mag business. Ikaw madalas kong kasama. Mamimiss kita.”

DepEd Next Schoolyear Magbubukas na Ngayong August 24

Image
Inanunsyo ni Education Secretary Leonor Briones na August 24 ang unang araw ng klase para sa bagong school year.  "Ang napili nating school opening date ay August 24," sabi ni DepEd Secretary Briones sa Laging Handa public briefing. Ayon sa DepED, hindi naman daw ibig sabihin ng pagbubukas ng panibagong school year ay babalik na ang mga mag-aaral sa eskwela. Puwedeng maging blended education – combination ng face to face at online teaching approach. Tinitignan ding posibilidad ang paggamit ng TV at radio para sa klase ng mga estudyante.

Pangulong Duterte Nag-alok ng Pabuya sa mga Mag-rereport sa mga Officials na Nangungurakot ng SAP

Image
Nangako si Pangulong Duterte na magbibigauy ng pabuya sa sinumang magsumbong sa mga opisyal ng gobyerno na mangungurakot sa ayudang ibinibigay ng gobyerno o SAP. Sa meeting ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-alok ng P30,000 si Pangulong Duterte sa sinuman na tutulong sa national government mahuli ang mga korap na officials. “Siya po ay magbibigay ng pabuya na 30,000 pesos sa lahat ng po ng mga mag rereport ng local officials na kumakana o kinukurakot ang mga ayuda para sa mahihirap,”   sabi ni Spox Roque Sinabi din ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring tumawag ang mga may sumbong sa hotline ng gobyerno na 8888. Sa isang public address, partikular na pinangalanan ni Duterte ang kagawad ng Hagonoy, Bulacan na si Danilo Flores na ibinulsa ang malaking bahagi ng P6,500 na ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng SAP. “Sinabi ko na sa inyo kung may gawin ka