Panawagan ng DILG sa mga Kapitan, Isa publiko ang Listahan ng mga SAP Beneficiaries

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials sa bansa na i-post ang listahan ng mga beneficiaries sa mga public places tulad ng barangay hall.
Layon nito na masiguro ang transparency sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) ngayong humaharap ang bansa at ang buong mundo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, napaka-importante na ihayag ang listahan para maliwanagan din aniya ang mga mamamayan at maintindihan na kailangang unahin ang pinakamahirap na pamilya na talagang walang-wala nang mapaghuhugutan sa gitna ng nararanasan ngayong krisis.
Giit ni Año, ang intensyon din nito ay upang masiguro na kompleto at tama ang listahan ng mga barangay.
Read Full Article
Comments
Post a Comment