Pamilyang nakatanggap ng P6,700 na ayuda, ipinampuhunan sa droga ang pera?

Arestado ang isang magkakaanak sa Quezon City dahil sa pagtutulak umano ng droga.
Hinala ng pulisya, ipinampuhunan ng mga suspek ang natanggap na ayudang P6,700 sa pagtutulak ng droga kung saan nakumpiska sa kanila ang shabu na nagkakahalaga ng P34,000.
Naaresto ang mga suspek na sina Elvie at Bona, parehong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ay nakatanggap daw ng tig-isang P6,700.
Nakuha ng mga awtordidad sa mga suspek ang 13 pakete ng shabu na may street value na P34,000.
Umamin naman si Elvie na tatlong taon na siyang nagbebenta ng ilegal na droga kasama ang kaniyang mga anak.
“Pinambubuhay ko po sa mga anak ko dahil wala po akong asawa,” paliwanag niya.
Sabi naman ng kaniyang anak na si Angelito, “Sa sobrang kahirapan po ng buhay kaya po namin nagagawa ‘yon.”
Comments
Post a Comment