Mala Martial Law na Pag Aresto ng PNP, Sinimulan na!

Nagsimula na ang Philippine National Police ng mala martial law na paghuli sa mga taong lalabag sa ipinapatupad na mga alituntunin ng Enhance Community Quarintine. Ito ay alin sunod sa ipinag uutos ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ng PNP nitong Lunes na hindi na nito bababalaan at direktang arestuhin ang mga mamamayan na lumalabag sa mga hakbang sa quarantine. At dapat ng ipatupad ng gobyerno ang isang “martial law-type” na pamamaraan.
Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa sa radyo DZMM, ang gusto ng pangulo ay kapag sinabing martial law ay dapat na bigyang-diin na talagang gagawa sila ng ilang pag-aresto.
Sinabi pa nito na nagbigay na ng mga babala ang mga awtoridad sa humigit kumulang na 96,000 sa 130,000 na unang mga naaresto. Ito ay dahil sa paglabag nila sa quarantine.
Ang mga una nilang naaresto dahil sa paglabag ay pinarusahan nila at pinauwi. Ito ay upang hindi tumambak ang mga lumalabag sa detainment facilities.
Read Full
Comments
Post a Comment