Libreng Kuryente sa Buwan ng March Hanggang April —IATF

Libre na sa pagbabayad para sa buwan ng Marso-Abril ang mga mamamayan na kumukonsumo ng kuryente na 50 kilowatt per hour pababa o yaong tinatawag na “lifeline consumers”.
Ayon kay Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases Spokesperson Karlo Nograles, ang libreng kuryente para sa mahihirap ay bukod pa sa isang buwang palugit sa pagbabayad ng kuryente sa mga electric cooperatives sa Luzon, Visayas at Mindanao na gagawin ring libre ang konsumo simula Marso hanggang Abril.
Target aniya na matulungan ng pantawid-liwanag ang nasa 3-milyong mahihirap na customer ng mga electric cooperatives.
Samantala, pinasalamatan naman ng kalihim ang National Electrification Administration at mga electric cooperatives sa kanilang ambag na tulong sa taumbayan.
Comments
Post a Comment