Duque Pinagre-Resign sa Palpak na Leadership sa COVID-19 Crisis

Naghain ng resolusyon ang Senado na bumaba sa pwesto si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng hinaharap na COVID-19 crisis ng Pilipinas.
Sa Senate P.S. Resolution No. 362 nanawagan si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, kasama pa sina Senador Panfilo Lacson, Sonny Angara, Grace Poe, Ralph Recto, Miguel Zubiri, Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Lito Lapid, Bong Revilla, Nancy Binay, Imee Marcos, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Manny Pacquiao at Francis Tolentino na matanggal bilang Kalihim ng Kalusugan si Duque.

Ayon sa mga senador, may palyado umano ang leadership ni Duque sa kinaharap na pandemic ng bansa sa coronavirus disease, ilan pa sa mga dinahilan ng mga mambabatas ay lack of foresight, transparency, poor planning, delayed response at flip-flopping policy ukol sa aksyon sa COVID-19.
Comments
Post a Comment