82 Katao Positibo sa Covid sa Isang Araw, Barangay sa Cebu City Lockdown

Inutos ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang pag-lockdown sa buong Barrio Luz, isang barangay sa Cebu city, kasunod ng mabilis na pagtaas ng sakit na coronavirus 2019 (COVID-19) na kaso sa lugar.
Itinigil narin ang COVID-19 mass testing sa Sitio Zapatera sa Barangay Luz, Cebu City dahil ‘pinagpalagay nang kontaminado’ ng Department of Health Central Visayas ang nasa 9,000 residente rito.
Ito, matapos kumpirmadong nahawa sa new coronavirus ang ‘di bababa sa 80 katao sa sitio, kabilang ang 9-buwang gulang na twins. Karamihan sa kanila’y walang sintomas ng virus.
“We have already deemed (Sitio Zapatera) as a contaminated place. And we will just monitor everyone who will be symptomatic and bring them to the facility,” hayag ni DOH Central Visayas director Jaime Bernadas sa isang virtual press conference kahapon.
Nagpapatuloy aniya ang community transmission ng sakit sa sitio mula nang maitala ang una nitong COVID-19 positive patient, Abril 7. Mula sa nasabing petsa ay sinailalim na sa lockdown ang sitio.
Comments
Post a Comment