Posts

Showing posts from April, 2020

"Hindi Ako Natatakot" OFW na Nambastos sa Pangulo

Image
Naiulat na binabalak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pauuwiin sa Pilipinas ang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Taiwan na si Elanel Egot Ordidor dahil umano sa mga paninira nito sa social media laban sa Duterte government.

Mayroon din ilang video si Ordidor na kung saan sinabi nito na gusto niyang sampalin ang Presidente ng Pilipinas.

Napag-alaman din ng DOLE na gumagamit si Ordidor ng iba’t-ibang social media account para manira sa Duterte Administration.



Covid Positive Patient sa QC, Pumila Para sa Ayuda

Image
Nangangamba ang mga residente sa isang barangay sa Quezon City matapos nilang makasalamuha ang isang positibo sa COVID-19.

Yung kabaranggay kasi nila nakapila para sa ayuda.

Ang nasabing covid patient ay isang 49-taong gulang na babae na syang nakihalubilo sa iba pang 368 na iba pang social amelioration cash beneficiaries sa kanilang barangay.

Nangyari ang pagkuha ng cash subsidy noong April 25.

Pamilyang nakatanggap ng P6,700 na ayuda, ipinampuhunan sa droga ang pera?

Image
Arestado ang isang magkakaanak sa Quezon City dahil sa pagtutulak umano ng droga.

Hinala ng pulisya, ipinampuhunan ng mga suspek ang natanggap na ayudang P6,700 sa pagtutulak ng droga kung saan nakumpiska sa kanila ang shabu na nagkakahalaga ng P34,000.

Naaresto ang mga suspek na sina Elvie at Bona, parehong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ay nakatanggap daw ng tig-isang P6,700.

Nakuha ng mga awtordidad sa mga suspek ang 13 pakete ng shabu na may street value na P34,000.

Umamin naman si Elvie na tatlong taon na siyang nagbebenta ng ilegal na droga kasama ang kaniyang mga anak.

“Pinambubuhay ko po sa mga anak ko dahil wala po akong asawa,” paliwanag niya.

Sabi naman ng kaniyang anak na si Angelito, “Sa sobrang kahirapan po ng buhay kaya po namin nagagawa ‘yon.”

Babaeng May Dalang Groceries, Nakunan Ng Video Nang Gawin Nya Ito Sa Matandang Pulubi Na Naghihingi Ng Pagkain

Image
Tunay nga na mabait at matulungin ang mga Pilipino dahil tayo ay laging bukas sa pagtulong sa ating kapwa sa oras ng kanilang pangangailangan, kalamidad, pagsubok, at iba pa.

Yan ang nakuhanan ng video ng isang netizen na si Florendo Bonavente Bern. Makikita sa video ang pagtulong ng babaeng ito sa isang matandang pulubi at nilagyan niya ng caption ang kaniyang socmed post na nagsasabi na,

"Mabuting gawa! Ung pinamiling pagkain ni ate binigay nalang sa mas nangangaylangan!.."

P10-M Pabuya sa Makakadiskubre ng Vaccine Laban sa COVID-19

Image
Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng P10-milyong gantimpala para sa sinumang Pilipino na makakadiskubre ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), nitong Martes.

“Inanunsyo po ng Pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya na hanggang 10 milyong piso sa kahit sinong Pilipino na makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID-19,” sinabi ni spox Harry Roque. .

Magbibigay din si Duterte ng isang “substantial grant” sa University of the Philippines at Philippine General Hospital para sa pagbuo ng bakuna, sinabi ng opisyal ng Palasyo.

Amo, hinanap ang bahay ng kanyang empleyado para ibigay ang natitirang sahod at 13th month pay

Image
"Siya si Noel kung tawagin namin ay Bay. I hired him 2 years ago as utility man. Nakakamiss pag absent sya kasi makalat sa ground floor pag wala sya. 

Since March 17, nung nag stop kami ng operations dahil sa ECQ ay hindi ko na sya nakita. Hindi nya nakuha ang sweldo nya at ngayon nag release kami ng advance 13th month pay hindi nya pa rin nakuha. 

Medyo nag aalala ako kasi baka wala talaga siyang way na maka byahe kasi sa totoo lang ay taga probinsya sya at hindi sya sanay dito sa siudad at isa pa wala siyang celphone. 

Nag decide ako hanapin ang bahay nya sa isang barangay sa San Pedro, Laguna at medyo malayo nga at liblib. Gamit ang aking angkas costume ay nahanap ko ang bahay nya. 

Tuwang tuwa siya at siyempre ako din kasi nakita kong maayos naman pala ang kalagayan nya at naibigay ko personally ang sweldo + prorated 13th month nya.

"Mga simpleng kasiyahan para saatin. Just want to inspire not to impress."

Source: James Voltaire Carson

Mga manok na nakumpiska sa ilegal na tupada sa kusina ang punta

Image
Sa presinto ang bagsak ng mga sabungerong naaresto sa ilegal na tupada sa Valenzuela City sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine.

Ang kanilang mga mamahaling manok naman, sa kusina ang punta.

Sa Twitter post ni Mayor Rex Gatchalian, sinabing naaresto nitong weekend ang mga sabungero na tinawag niyang matitigas ang ulo.
1. Tupad raid this morning...titigas ng ulo niyo ah... pic.twitter.com/h1msRURdgU — Rex (@rex_gatchalian) April 12, 2020 Dinala ang mga naaresto sa presinto habang sa central kitchen naman ng lungsod ang diretso ng mga panabong na manok.

"Idadagdag sa mga meals for tonights' operations...nothing will go to waste," sabi pa ni Gatchalian.
Team Adobo or Team Tinola?

Ano kaya plano ni kuya na cook???

So if mahal mo ang pangsabong mo, suggestion lang itago mo sa bakuran mo wag tumulad sa mga nagpatupada this morning....

Update on the finish dish in a while... pic.twitter.com/VkPZFAsZKx — Rex (@rex_gatchalian) April 12, 2020

Panawagan ng DILG sa mga Kapitan, Isa publiko ang Listahan ng mga SAP Beneficiaries

Image
Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials sa bansa na i-post ang listahan ng mga beneficiaries sa mga public places tulad ng barangay hall.

Layon nito na masiguro ang transparency sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) ngayong humaharap ang bansa at ang buong mundo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, napaka-importante na ihayag ang listahan para maliwanagan din aniya ang mga mamamayan at maintindihan na kailangang unahin ang pinakamahirap na pamilya na talagang walang-wala nang mapaghuhugutan sa gitna ng nararanasan ngayong krisis.

Giit ni Año, ang intensyon din nito ay upang masiguro na kompleto at tama ang listahan ng mga barangay.

Read Full Article

Mala Martial Law na Pag Aresto ng PNP, Sinimulan na!

Image
Nagsimula na ang Philippine National Police ng mala martial law na paghuli sa mga taong lalabag sa ipinapatupad na mga alituntunin ng Enhance Community Quarintine. Ito ay alin sunod sa ipinag uutos ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng PNP nitong Lunes na hindi na nito bababalaan at direktang arestuhin ang mga mamamayan na lumalabag sa mga hakbang sa quarantine. At dapat ng ipatupad ng gobyerno ang isang “martial law-type” na pamamaraan.

Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa sa radyo DZMM, ang gusto ng pangulo ay kapag sinabing martial law ay dapat na bigyang-diin na talagang gagawa sila ng ilang pag-aresto.

Sinabi pa nito na nagbigay na ng mga babala ang mga awtoridad sa humigit kumulang na 96,000 sa 130,000 na unang mga naaresto. Ito ay dahil sa paglabag nila sa quarantine.

Ang mga una nilang naaresto dahil sa paglabag ay pinarusahan nila at pinauwi. Ito ay upang hindi tumambak ang mga lumalabag sa detainment facilities.

Read Full

Magandang Balita! 41 Katao, Gumaling sa Coronavirus Ngayong Araw - Record High!

Image
COVID-19 update: 200 dagdag na kaso, 19 pa nasawi, 41 gumaling: DOH

Base sa huling tala ng Department of Health, nadagdagan muli ng 200 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 kung saan umabot na sa kabuuang bilang na 6,459.

Nadagdagan din ang bilang ng nakarekober ng 41 kaya unakyat na ito sa bilang na 613.

Kasama sa mga nakarekober ay mga pasyenteng naitalang naka-confine at mga pasyenteng may positive, mild at asymtomatic cases na nakarekober naman mula sa self-isolation at home quarantine.


DILG Ipinag-utos na Ilagay sa mga Public Places ang Listahan ng mga SAP Beneficiaries

Image
Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials sa bansa na i-post ang listahan ng mga beneficiaries sa mga public places tulad ng barangay hall.

Layon nito na masiguro ang transparency sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) ngayong humaharap ang bansa at ang buong mundo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, napaka-importante na ihayag ang listahan para maliwanagan din aniya ang mga mamamayan at maintindihan na kailangang unahin ang pinakamahirap na pamilya na talagang walang-wala nang mapaghuhugutan sa gitna ng nararanasan ngayong krisis.

Giit ni Año, ang intensyon din nito ay upang masiguro na kompleto at tama ang listahan ng mga barangay.

Read Full Article

82 Katao Positibo sa Covid sa Isang Araw, Barangay sa Cebu City Lockdown

Image
Inutos ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang pag-lockdown sa buong Barrio Luz, isang barangay sa Cebu city, kasunod ng mabilis na pagtaas ng sakit na coronavirus 2019 (COVID-19) na kaso sa lugar.

Itinigil narin ang COVID-19 mass testing sa Sitio Zapatera sa Barangay Luz, Cebu City dahil ‘pinagpalagay nang kontaminado’ ng Department of Health Central Visayas ang nasa 9,000 residente rito.

Ito, matapos kumpirmadong nahawa sa new coronavirus ang ‘di bababa sa 80 katao sa sitio, kabilang ang 9-buwang gulang na twins. Karamihan sa kanila’y walang sintomas ng virus.

“We have already deemed (Sitio Zapatera) as a contaminated place. And we will just monitor everyone who will be symptomatic and bring them to the facility,” hayag ni DOH Central Visayas director Jaime Bernadas sa isang virtual press conference kahapon.

Nagpapatuloy aniya ang community transmission ng sakit sa sitio mula nang maitala ang una nitong COVID-19 positive patient, Abril 7. Mula sa nasabing petsa ay sinailalim na sa …

Paano Sumali at Manalo ng P10K sa Wowowin-Tutok To Win

Image
Ang makapagbigay ng tulong lalo na sa mga nagigipit ngayong may enhanced community quarantine ang pangunahing layunin ni Kuya Wil sa paglulunsad niya ng programang "Tutok To Win."

Kaya kahit nasa bahay lang, maaaring manalo ng P5,000 hanggang P10,000, o higit pa ang matatawagan. Panoorin at alamin kung papaano puwedeng sumali.

Babaeng balo na may anak at apo, Naiyak dahil hindi nakapasa sa interview ng DSWD

Image
Naiyak na lamang si Aling Marivic Dulce Collarin, matapos hindi  siya nakapasa sa interview ng Amelioration Program ng DSWD sa Barangay Pinagtipunan noong April 13.

Ang nasabing babae ay isang ng balo, namayat na umano ito dahil halos wala ng makain at meron pa itong anak at Apo.

Yung anak nya ay single parent at natigil ang hanapbuhay dahil sa lockdown at sila ay nangungupahan lang.

Duque Pinagre-Resign sa Palpak na Leadership sa COVID-19 Crisis

Image
Naghain ng resolusyon ang Senado na bumaba sa pwesto si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng hinaharap na COVID-19 crisis ng Pilipinas.

Sa Senate P.S. Resolution No. 362 nanawagan si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, kasama pa sina Senador Panfilo Lacson, Sonny Angara, Grace Poe, Ralph Recto, Miguel Zubiri, Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Lito Lapid, Bong Revilla, Nancy Binay, Imee Marcos, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Manny Pacquiao at Francis Tolentino na matanggal bilang Kalihim ng Kalusugan si Duque.


Ayon sa mga senador, may palyado umano ang leadership ni Duque sa kinaharap na pandemic ng bansa sa coronavirus disease, ilan pa sa mga dinahilan ng mga mambabatas ay lack of foresight, transparency, poor planning, delayed response at flip-flopping policy ukol sa aksyon sa COVID-19.

Libreng Kuryente sa Buwan ng March Hanggang April —IATF

Image
Libre na sa pagbabayad para sa buwan ng Marso-Abril ang mga mamamayan na kumukonsumo ng kuryente na 50 kilowatt per hour pababa o yaong tinatawag na “lifeline consumers”.

Ayon kay Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases Spokesperson Karlo Nograles, ang libreng kuryente para sa mahihirap ay bukod pa sa isang buwang palugit sa pagbabayad ng kuryente sa mga electric cooperatives sa Luzon, Visayas at Mindanao na gagawin ring libre ang konsumo simula Marso hanggang Abril.

Target aniya na matulungan ng pantawid-liwanag ang nasa 3-milyong mahihirap na customer ng mga electric cooperatives.

Samantala, pinasalamatan naman ng kalihim ang National Electrification Administration at mga electric cooperatives sa kanilang ambag na tulong sa taumbayan.

3 Miyembro ng 4Ps Arestado sa Aktong Pagsusugal

Image
Arestado ang tatlong babae na napagalamang miyembro pa ng 4Ps nang mahuli ito sa aktong nagsusugal sa  sa Brgy. Sto. Niño 2nd, San Jose City, Nueva Ecija.
Sa Facebook post ni P/Lt Col Heryl “Daguit” Bruno, inilahad nito ang iilang detalye ng pagkakaaresto sa tatlong 4ps members.


Heto ang kabuuang post ni P/Lt Bruno:

“3 MEMBERS OF 4Ps ARRESTED FOR VIOLATION OF PD 1602 (ILLEGAL GAMBLING)

OOA 1:30 PM of April 12,2020 Elements of this station led by PLTCOL HERLYL L BRUNO, COP conducted Anti-Illegal Gambling Operation at Brgy. Sto. Niño 2nd, San Jose City, Nueva Ecija which resulted in the arrest of the suspects The arrested suspects and the confiscated pieces of evidence were brought to this station for documentation and proper disposition.A Case of Violation of PD 1602 is being prepared for filing against the suspects.”


Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling.

4Ps Member Nahuling Nag-Totong-its Habang May Lockdown

Image
Trending sa Facebook ang isang post ng netizen kung saan makikitang isang grupo sa Laguna ang naglalaro ng baraha at ayon pa sa uploader na si Joyce Mance, miyembro umano ito ng 4Ps at naglalaro pa ng Tong-its

"Galit na Galit kayo sa Gobyerno tapos pag hinuli kayo nagagalit kayo sa Pangulo ng HOA. Grabe ka nman member k ng 4Ps diba tapos sinasanla nyo Atm at ng to TONG ITS ka."

Panoorin ang video sa ibaba:

Samantala, umakyat na sa 50,000 na 4Ps members ng pamahalaan sa Region 1 ang natanggal sa listahan base sa kanilang huling tala noong Agosto.

Batay sa tala ng Department of Social Welfare and Development Region 1, may kabuuang 47,078 na pamilya ang natanggal sa nasabing listahan.

Nabatid na lima mula sa kabuuang bilang ang natanggal dahil sa misrepresentation; 162 ang natanggal dahil sa pagsusugal at pagsasangla ng kanilang cash card; 170 ang tinatawag na duplicate households; 29 ang hindi sumunod sa mga kondisyon ng 4Ps program; at halos 7,000 ang boluntaryong inalis ang …