Pilipinas Bumili ng 16 Brand New Black Hawk Helicopters Para sa Philippine Air Force

Tuloy-tuloy ang pagpapalawig at pagpapalakas ng pwersa ng Philippine Air Force.
Ang unang sampu sa 16 na unit ng Black Hawk helicopter na para sa Philippine Air Force ay idedeliver na ngayon taong 2020.
Sinabi ng hepe ng Air Force na si Lt. Gen. Rozzano Briguez sa mga reporters na ang unang sampung helicopters ay ihahatid na ngayon taon habang ang natitirang anim ay darating sa 2021.
Ang labing-anim na Sikorsky S-70i Black Hawk helicopter ay nagkakahalaga ng P12 bilyon, pinalitan nito ang kinanselang kontrata ng 16 Bell 412EP helicopter mula sa Canada.

Noong nakaraang taon, kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deal na bumili ng mga battle utility helicopter mula sa Canada, na nagpahayag ng pagkabahala na maaaring magamit ang mga helikopter sa pag-atake sa counterinsurgency sa Pilipinas.
Bagamat ang Lockheed Martin ay isang American defense company, ang mga helikopter na binili ng Philippine Air Force ay ginawa ng PZL Mielec ng Poland, ang pinakamalaking pasilidad nito sa labas ng Amekira.
Nakatakda din na dumating ang anim na A-29 Super Tucano ngayong Pebrero 2020.

Comments
Post a Comment