Pabor ba kayo na Magkaroon ng Nuclear Power Plant sa Bansa?

Alam ba ninyo na ang Bataan Nuclear Power Plant na ipinatayo ni Pres. Marcos ay ipinatayo din sa Korea nuon?
Oo, ang eksaktong model na meron tayo, ay kanila din ipinagawa. At nung nakita nila na maganda ang naging outcome, ay nagpatayo pa sila ulit ng ilang power plant units.
Kung makikita naman ninyo, ang Korea ay may sariling brands sa pag manufacture ng appliances, gadgets and even vehicles.
Ito ay dahil, mura ang kuryente.
Mura ang produksyon.
Madami ang nabibigyan ng trabaho. Maganda ang naging resulta sa kanilang ekonomiya.
Nuong panahon ni Presidente Marcos, madami tayong factory ng international brands at pati nadin ang pag manufacture ng mga produkto kagaya ng tela, damit, sapatos at iba pa.
Ngunit isa isa 'tong nagsipag sara, nagsipag alisan ang mga investors dahil nag mahal nang nag mahal ang ating kuryente.
Kung sana ay naituloy ang pag gamit ng Bataan Nuclear Power Plant, siguro mas maunlad ang ekonomiya at mas madaming factory meron dito sa Pinas.
Hindi sana nagsisiksikan ang mga tao sa Metro Manila para makakuha ng trabaho, mas mura sana ang kuryente at nakakapag produce din sana tayo ng appliances, gadgets at mga sasakyan.- Atty. Larry Gadon.
Comments
Post a Comment