P2K Kada Buwan Allowance sa mga Housewife Isinusulong sa Senado




Isinusulong sa Senado ang isang panukalang naglalayong mabigyan ng buwanang sahod sa mga ilaw ng tahanan sa bansa.

Sa House Bill 8875 na isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda, kinikilala ang ambag ng mga ilaw ng tahanan sa kanilang araw-araw na pag-aalaga sa kanilang mga asawa’t anak gayundin ang epekto nito sa ekonomiya.

Nakasaad sa inihain niyang panukala na dapat ay may sahod din ang mga maybahay na nananatili lamang sa bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak at asawa.

Sa ilalim ng panukala ni Salceda, bibigyan ng P2,000 sweldo ang mga nanay na may isang anak na may edad 12 pababa at makokonsiderang kabilang sa pinakamahihirap sa bansa ito ay magpapatuloy hanggang makaahon siya o lampas na sa 12 taon ang anak niya.

Ang DSWD ang tutukoy sa kung sino ang karapat-dapat na mabigyan ng ayuda.

Ayon sa mambabatas, aabot sa P35 bilyon ang kakailanganin ng programa na ang P32 bilyon ay mapupunta sa mga may asawang maybahay at tatlong bilyong piso naman ang sa mga ‘single mothers’, balo, hiwalay sa asawa at iba pa.

Kasalukuyang nakabinbin sa House Committee on Women and Gender Equality ang panukala.

Comments

  1. Totoo po ba to. Kung tunay po panu po mkasali d2?

    ReplyDelete
  2. Paano po mkasali

    ReplyDelete
  3. paano naman yung dalawa na anak. mas mahirap nga yun kesa sa isa lang ang anak

    ReplyDelete
  4. Kahit maipatupad yan wala naman ibang makikinabang jan kundi ung mga sakim na nanunungkulan sa bawat barangay ... Ung mga i priority lang nila jan ung mga kamaganak nila! Ganyan kabulok ang sistema sa lugar namin .. Kaya maswerte ung mga lugar na matitino at patas ang namamalakad

    ReplyDelete
  5. Replies
    1. pano nman po kung 2 pang anak ang below 12 yrs old d bale 4k na nammbgay sa mga parents na ganun? kelan to ipapatupad?

      Delete
    2. Paano po makasali para makasali ung asawa ko

      Delete
  6. Paano sumali ano mga kailangan??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit yung isa lng anak ang bigyan dapat yung marami kasi yun ang nahihirapn

      Delete
    2. Bakit yung isa lng anak ang bigyan dapat yung marami kasi yun ang nahihirapn

      Delete
  7. Hindi pa sila natutu sa 4P's na mga LGUs lang ang nagpakasarap.

    Malamang maraming maging tamad kung may sahod na ang housewife. Ang dapat gawin ng Senado ay automatic deduction sa sweldo ng mister at ibibigay sa housewife nya gaya ng automatic deduction ng PagIbig.

    Sigurado kukunin ang pondo sa tax ng taongbayan. Ang tanong: bakit ko bibigyan ng sahod ang housewife ng iba samantalang ang wife ko walang sahod dahil may sarili syang sahod sa pagtatrabaho nya?

    Gagawa na naman kayo ng gimmick na mapagpeperahan nyo.

    #Busit

    ReplyDelete
  8. sigurado hindi ako makakasali dito..kc wala naman akong kamag anak sa baranggay o munisipyo.

    ReplyDelete
  9. panu nga ba pra mgkaroon dn ako ako kse ayw ko umsa s asawa ko my trabho nga ngi nmn ngbibigay mgbigay 500 lng o 300 pasalamat n LNG ako my online online ako

    ReplyDelete
  10. Replies
    1. Paano po bang proseso nito at anung gawin para maka kuha po.

      Delete
  11. Sana Po Totoo Kase Kailngan Na Kailangan Po ng Anak KO Po Yan

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo