Kim Chiu, Kasama sa 3 Sakay ng Van na Pinagbabaril sa QC




Anim na beses na pinagbabaril ang van sakay ang aktres na si Kim Chiu sa Quezon City.

Papunta si Kim sa isang taping kasama ang dalawa niyang kasamahan nang mangyari ang insidente sa Katipunan Avenue kanto ng CP Garcia Avenue, Brgy. UP Campus, Quezon City.

Ayon sa driver ni Kim Chiu na si Wilfred Taperla, kalalabas lang nila ng subdivision sakay ng Hyundai H350 na kulay itim nang dikitan sila ng motorisklo na may lulang dalawang lalaki.

Nakarinig daw muna sila ng mga putok ng baril sa likod ng kanilang sasakyan.

Anya, hindi nila alam na sila na pala ang pinapaputukan ng gunman.

Pawang nakasuot ng itim na jacket at helmet ang dalawa at saka pinagbabaril ang sasakyan.

Mabilis tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Katipunan

Wala naman nasaktan sa insidente, at agad dumiretso ang aktres sa taping matapos mangyari ang pamamaril.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH